Chapter 5:Marian meets Trisha

150 18 2
                                        

Marian's POV.

Hindi Ako makapaniwala na magkasama kami ni Anton sa iisang bubong.

Hindi ko mapigilang mapangiti dahil magkatapat kami ngayon sa Lamesa.

Buti nalang at napilit ko syang kumain ng umagahan kasabay ko.

Nag luto ako nang itlog nakita ko sa ref. nya. Maaga kasi akong nagising mga alasingko palang gising na ako, sanay kasi ako na ganung oras gumigising.

Nag laba narin ako ng mga labahan ko at pati yung maruruming damit ni Anton sinama ko narin. May nakita pa nga akong ilang pirasong brief doon. Isinawsaw ko nalang sa may sabon at downy ang mga iyon.

Hindi kasi ako sanay humawak ng ganun.

Na kapag linis narin ako ng bahay. Habang humihilik pa sya.

At ngayon ko lang nalaman na tulog mantika pala sya.

Kahit kumakalabog hindi sya nagigising.

Nagulat ako nang biglang may tumunog na nang gagaling sa may pinto.

"Si manang Fe yan, relax nag doorbell lang sya". Agad na tumayo si Anton para buksan ang pinto.

Doorbell?  Bakit si Don Alejandro, wala naman sa pinto ng mansyon nya ng ganun, kumakatok parin kami.Yung ibang gamit nya dito nakikita ko sa mansyon yung iba hindi na.

" Good morning Sir, Mam". Tumango sa akin si manang Fe. Ngumiti naman ako sa kanya at binati ko din sya, ganun din si Anton.

Sandali kong naramdaman ang kirot sa magkabilang kamay ko.

Inubos ko kasi ang dalawang basket ng maruruming damit ni Anton.

Meron namang makina, pero hindi ko alam gamitin, natatakot ako baka masira ko yun. Hindi kasi kami gumagamit ng ganun sa amin, mano-mano kami kung mag laba.

"O bakit?  May problema ba? ".Napatigil si Anton sa pagkain ng makita nyang pilit kong iniinda ang hapdi sa mga kamay ko.

" Ah, wala sumakit lang yung kamay ko". Pag dadahilan ko.

Biglang lumabas si manang Fe galing sa likod ng bahay kung saan ako nag laba.

"A Sir,wala na sa basket yung mga labahin nyo, naglaba kayo Sir? ".

Hindi sumagot si Anton pero ibinaling nya ang kakaibang tingin nya sa akin, yung tingin na *ano na namang ginawa mo Marian?*

" Hmm,naglaba kaba Marian?".seryosong tanong nya sa akin.

"Opo Sir, este Anton".agad kong sagot.
Nakalimutan kong hindi ko pala sya pwedeng tawaging Sir pag nandyan si manang at may ibang tao, paano nga naman sila maniniwalang nobya nya ako kung tatawagin ko syang Sir.Maliban na lang sa dalawang kaibingan nyang nakakaalam.

" Kaya ba namumula yang mga kamay mo at may sugat dahil sa pag lalaba mo?". Madiin ang bawat salitang lumalabas sa bibig nya.

Hindi ba sya natutuwa na ipinag laba ko sya?.

Tumango na lang ako sa huling tanong nya.

"Marian, hindi mo kailangan gawin yun, trabaho ni manang Fe yun".

" Pero wala kasi akong magawa pag kagising ko eh, Hindi ako sanay nang walang ginagawa".

"Ok sige, hahayaan kita, pero wag mo nang hayaang masaktan ka, tingnan mo nag susukat na yung mga kamay mo". Nakaramdam ako nang matinding kilig.

Hinawakan nya yung mga kamay ko, parang biglang gumaling Hindi ko na nararamdaman ang kirot.

Bakit sobrang lakas ng ipekto sa kin ng mga simpleng ginagawa mo at sinasabi mo ANTON!.Sigaw ko sa isip ko.

FOREVERMORE (ang alamat)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon