"Marian, ". Mahinang tawag ni Anton habang kinakatok ang kwarto ni Marian. Simula kasi ng pumasok ito sa loob ay hindi na ito lumabas, kahit pagkain ng hapunan ay hindi na nito ginawa.
Toktoktok.
Makailang ulit pa ang pagkatok nya tsaka lang sya pinag buksan ng pinto nito.
" Sir, natutulog na po ako, ano bang kailangan nyo? ". Irita itong humarap kay Anton.
Sa tingin ni Anton ay mukha nga itong bagong gising dahil sa gulo nitong buhok, pero ang aga pa para matulog sya alas syete palang ng gabi.
" Oh, bumili ako nang pagkain mo, hindi kapa kumakain ng hapunan eh".
Inaro nya dito ang isang supot na may lamang pagkain sa loob.
Sinilip ni Marian kung ano ang nasa loob.
"Ayaw ko nyan Sir, salamat nalang".
" Ha? E diba ganito din yung binili ko sayo dati? Kinain mo naman ah". Pag tataka ni Anton.
"Gusto ko po lutong bahay, ".
" A-anong gagawin ko? ". Kunot noo nyang tanong kay Marian.
" Mag luto ka,". Pautos na sabi nito.
"Ano?! Hindi ako marunong mag luto".
Hindi sumagot si Marian, dahan dahan nya lang isinara ang pinto.
Napapailing nalang si Anton, halatang dismayado ito dahil hindi tinanggap ni Marian ang binili nitong pagkain.
"Kasalan ko bang hindi ka marunong mag luto? ".
Hawak hawak ni Marian ang bibig nya habang ngumingiti, sabay kagat sa ibaba nitong labi para mapigilan ang kusang pag lawak nang kanyang ngiti.
" Hindi Marian, tiisin mo, kapag bumigay ka sa panunuyo nya, talo ka, kasi papaiyakin ka lang nya ulit, kaya itigil mo na ang ilusyon mo". Kausap na naman ang sarili nya sa salamin na katapat ng kama ni Anton, ngayon ay sya na ang humihiga dito.
Pabagsak nyang ihiniga ang katawan sa kama. At dahan-dahang pumikit.
Napabalikwas sya dahil sa malakas na katok mula sa pintuan.Hindi nya na malayan na naka tulog na pala sya. Iginala nya ang paningin pag tingin nya sa maliit na orasan na nasa lamesa na naka pwesto sa gilid ng kama, ay alas nwebe na nang-gabi.
"Ano na naman kayang kailangan nito? ". Inayos muna ni Marian ang kanyang magulong buhok at ang suot nitong pajama bago buksan ang pinto.
Pag bukas nya ng pinto ay na amoy nya agad ang amoy sunog na parang bawang ata yun.
" Ano yun?! ". Gulat na tanong ni Marian sa tamad na tamad na nakasandal sa pader na si Anton at naka suot pa ito ng Afron na may hawak na sandok.
" Baka pwede mo akong tulungan mag luto,hindi ko alam ang gagawin eh". Naka busangot na ang mukha nito habang nag sasalita.
"O e bakit ganyan ang mukha mo?". Tanong ni Marian.
"E kasi ang dami ko ng talsik ng mantika oh" . Inaro nya ang braso na may mga talsik ng mantika at namumula na ang iba sa mga ito.
"Tsk,dapat kasi bago ka nag simula tinawag mo na ako". Inis na sabi ni Marian dito,kahit na palihim na nag pipigil ng ngiti.
Agad na pumunta si Marian sa kusina para ayusin ang pinag gagagawa ni Anton.
"Ako na ang mag luluto ah ,umupo kana lang dyan". Agad nyang kinuha ang sandok na hawak hawak pa ni Anton.
"Sumaglit lang ako sa super market,kaya yan lang ang nabili ko." Ang tinutukoy ni Anton ay ang binili nyang breast chicken at kaunting gulay.
"Ok lang,tingnan mo sinunog mo pa yung bawang ".
Tahimik lang si Anton sa may lamesa naka upo na parang batang pinag sasabihan dahil may nagawa itong mali.
Ilang minuto pa ang naka tapos narin mag luto si Marian.
" O ayan, in-adobo ko nalang, yung gulay pwede pa yun bukas, nag luto kaba nang kanin? ".
Umiling lang si Anton na naka pag tirik ng mga mata ni Marian.
" E paano yan? mas masarap to pag may kanin".
"Ok lang yan, dapat nga hindi na nag ra-rice sa gabi kasi tataba ka, dapat pag lunch lang yun". Pag dadahilan pa nito.
" Hindi ako tabain Sir". Seryosong tugon nito sa kaharap sa lamesa na si Anton.
Agad tinikman ni Anton ang adobong manok ni Marian.
"Ouch! ". Mainit pa kasi ito nang isubo nya.
" Oh! Dahan-dahan kasi Sir".
"Medyo mainit pa nga,salamat ah, akala ko di kana lalabas sa kwarto eh".
" Panong hindi eh, ang lakas nyong kumatok".
"Hindi kana galit? " Agad na tanong ni Anton.
"Hindi nga po ako galit,".
" Pero bakit Hindi ka makatingin sakin? Tapos naka simangot kapa?".
Biglang dumayo si Marian na ikinagulat naman ni Anton.
Inilapit nito ang mukha nya nang malapitan tsaka tinitigan ito sa mga mata nang diretso walang ka kurapkurap.
"O ayan naka tingin na ako sa mga mata mo, naniniwala kana ba na hindi ako galit, Sir? ". Malambing na pagkasabi nito.
Animo'y nang aakit ang mga mata nito at tinig.
Sinalubong ni Anton ang mga tingin nito sa kanya.
Hindi nila namalayan na parehas na palang bumababa ang mga mata nila sa mga labi nang isa't isa.
Ilang segundo din ang tinagal nang pag titig nilang yun.
Tsaka lang napansin ni Marian ang ganung posisyon nila nang tumunog ang telepono/ landline.
Kaya napa atras si Marian at muling bumalik sa pag kaka upo. Sabay dampot ng kutsara sa katabing plato at isinandok sa adobong nasa plato nya atsaka agarang isinubo iyon.
"Ah! Ah! Mainit ". Pabulong nyang sabi.
Hindi manlang nya kasi hinipan muna bago Isubo sa sobrang taranta, magka halong hiya at kaba ang nararamdaman nya sa oras na yun.
Tumayo naman si Anton para sagutin ang tumutunog na telepono. Habang inaangat nya ang telepono ay hindi maalis ang tingin nya kay Marian, tila parang may magnet sa gawi nito kaya di nya maalis ang kanyang mga mata rito.
"Hello, ".
*hello, pichichi kamusta kana apo, kamusta na si Marian? ".*
Si Don Alejandro na sabik na sabik na maka usap ang kanya apo.
" Ah ok naman po kami lo, tsaka baka umuwi na kami sa sunod na linggo ".
*Talaga! Naku mabuti naman, sige mag hahanda ako sa pag babalik nyo dito apo miss na kita pichichi ko*
" Sige ho lo, miss you too po".
*sige na apo kina kamusta ko lang naman kayo, mag iingat na lang kayo ha*.
"Opo lolo kayo din po".
*totototot*..
Yun na lang ang huling narinig ni Anton sa kabilang linya kaya ibinaba na nya rin ang telepono.
Bumalik na sya sa upuan nya, mag kaharap sila ni Marian, kalahating dipa lang ang pagitan. Pero wala ni isa sa kanila ang gustong bumasag ng katahimikan.
*awkward*....
BINABASA MO ANG
FOREVERMORE (ang alamat)
Fiksi PenggemarAng alamat ng matamis na mangga sa Bayan ng San Isidro. Sa Hacienda na ang naka tanim ay puno ng mangga. Sa ilalim nun matatagpuan ang dalawang taong nag mamahalan at ang tamis ng kanilang pag iibigan ang pinag mumulan ng tamis ng bunga ng mangga...
