Nasa harap ng bahay nila Marian si Anton ngayon.Pagka gising palang kasi nya ay kina usap na sya ng lolo nya na puntahan naman ang kababatang si Marian sa kanila.Gusto ng lolo nya na isurpresa nya ito.
Hindi naman nya matanggihan ang lolo nya dahil sa kondisyon nito.Kaya nag pasama sya sa isa sa mga tauhan ng lolo nya para puntahan ang kababata.
Ewan ba nya sa mga taga dito kong bakit pinipilit nilang maging malapit sila sa isa't isa.
Pag dating na pag dating nya sa tapat ng bahay nila ay tinanong nya na agad kong nandun si Marian.
May dalawang babaeng humarap sa kanya at ngiting ngiti. Habang ang isa naman ay naka talikod.
Sa pag kakatanda nya, Nanay at Lola lang ni Marian ang kasama nya dito sa bahay nila.Sa tingin nya ay itong naka talikod ay si Marian.Matangkad may mahabang buhok at morenang kulay ng balat.
"Ay! Sir Anton ikaw nga".Gulat na gulat ang lola ni Marian ng makita si Anton.
Ngumiti lang ito bilang tugon.
Hindi na nya kasi matandaan sa Tagal na rin ng panahon ay naka limutan na nya ang mga pangalan nila, pero na mumukhaan nya pa naman kahit konte.
" Marian, ano kaba, humarap ka nga dito". Sabi nung isang babae na hindi naman katandaan masyado.
Ito Siguro ang nanay nya. Sa isip ni Anton.
Sabay harap ni Marian na kanina pa nakatalikod mula ng dumating sya.
"Ha- hi po Sir Anton".
Sandaling hindi naka galaw si Anton sa pwesto nya nang humarap na ito sa kanya.
Ibang Marian ang nakita nya ng mga oras na yun ang dating Marian na Halos Hindi nag susuklay at laging maluwag ang damit ay dalagang dalaga na ngayon.
Maayos na nakasuklay ang mahaba nitong itim na buhok at simpleng blouse at palda na hanggang tuhod ang suot nito.
" Ah Sir Anton? ". Dun lamang na rinig ni Anton ang tinig ni Mang Lando na tila kanina pa tinatawag ang pangalan nya.
" Yes?". Tipid nyang sagot.
"E aalis na ho ako".
" Sige ho salamat".
Umalis na si Mang Lando na syang nag hatid sa kanya dito kila Marian.
"Sir upo kayo, Marian kunan mo sya nang maiinom Dali anak". Utos ni Aling Maribell sa anak na nakatulala.
Napapangiti nalang si Anton sa nakikita nito, natataranta kasi sila lalo na si Marian. Hindi nya alam kong anong kukunin nya.Nagkakanda tapon ang tubig na nasa pitsil na dala nito.
Hindi parin sya nag babago careless parin. Sa isip ni Anton.
"Pasensya na po kayo ah, si lolo kasi mapilit gusto nyang puntahan ko si Marian". Panimula ni Anton.
"Si Don Alejandro talaga,nakakahiya naman ho sa inyo Sir". Si lola Sonia ang tumugon sa sinabi ni Anton.
" No it's ok, I'd also want to thank you all for your kindness to my lolo, specially to Marian, lolo always say that your very hands on sa hacienda". Tuloy tuloy na litanya ni Anton.
Habang nag sasalita sya ay naka nganga lang sa kanya ang lola at nanay ni Marian.
Si Marian naman ay tango lang ng tango at abot tenga ang ngiti.
Maya-maya pa ay kinabig ng palihim ni aling Maribell si Marian at sabay binulungan.
"Ano daw sabi nya? Ang bilis e di ko na intindihan. Hindi ako graduate e" Tanong ni Maribell
BINABASA MO ANG
FOREVERMORE (ang alamat)
FanfictionAng alamat ng matamis na mangga sa Bayan ng San Isidro. Sa Hacienda na ang naka tanim ay puno ng mangga. Sa ilalim nun matatagpuan ang dalawang taong nag mamahalan at ang tamis ng kanilang pag iibigan ang pinag mumulan ng tamis ng bunga ng mangga...