Pasado alas otso na ng maisipang tawagan ni Anton ang number ng telepono nya sa bahay para kamustahin ang kanyang fake girlfriend.
Ilang beses itong nag ring bago sinagot ni Marian.
"Hello?Manang fe kamusta si Marian? ". Dire-diretso nyang tanong sa nasa kabilang linya sa pag aakala nyang si manang fe ito.
"Sir Anton, umuwi kana, gutom na gutom na ako di pa ako kumakain mag mula kaninang tanghali".
" What!?, osige, hintayin mo ako mag dadala ako ng pagkain, ano bang gusto mo?".
Taranta na si Anton sa pag aayos ng gamit nya habang naka ipit ang cellphone nya sa pagitan ng kanyang tenga at balikat.
"Ikaw,,, este kahit ano po". Nagawa pa nitong mag biro sa kabila ng kagutuman.
" Puro ka kalukuhan, sige na ibababa ko na ito".
At nag madali nang umalis si Anton sa opisina.
Nakita naman sya ni Aron at Leo.
"O Bro, bakit nag mamadali ka?". Si Leo.
" Oo nga bro, akala ko mag oover time ka? ". Sunod na tanong agad ni Aron.
" I need to go,bukas nalang ako mag oover time". Agad na Sagot ni Aton sa mga kaibigan.
Hindi na naka pag salita ang dalawa, Bagkos ay nagka tinginan nalang sila at nagkibit balikat.
Dumaan si Anton sa isang fastfood restaurant, nag order sya nang burger fries ang pizza na rin. nakita nya kasi na mukhang nagustuhan ni Marian yung in order nyang pizza noon.
"Bakit ba ako na tataranta?". Tanong ni Anton sa sarili nya ng mapansing masyado syang nag mamadali sa pag order at pag labas ng resto.Nag kakanda hulog pa ang Susi ng kotse nya habang itinatapat iyon sa sasakyan para buksan.
Pagka dating nya sa apartment ay agad syang sinalubong ni Marian.
"Sir! Akala ko matatagalan ka pa eh".
" Halos paliparin ko na yung sasakyan ko para lang di ako matagalan sa daan, ano na lang sasabihin sakin ng Lola at Nanay mo pag nalaman nilang nalipasan ka ng gutom".
Habang nag tatatalak si Anton ay para namang wala lang narinig si Marian dahil mas inuna nyang ihanda ang pagkaing dala nito kesa makinig sa sermon.
Napapailing nalang si Anton.
"Sir tara kain na tayo, pasensya kana ah, wala yung promise kung hapunan sayo, ikaw kasi Hindi ka namili ".
" Oo nga eh, pasensya na ha, nakalimutan kong may kasama na pala ako dito sa bahay".
Sandaling napa tigil si Anton at tsaka muling tinanong si Marian.
"Teka bakit hindi ka nalang nag utos kay manang fe na bumili sa market ng pwede mong lutuin? Atsaka bakit hindi ka agad tumawag sa akin?! Hinintay mo pang ako ang tumawag dito sa bahay? ". Sunod sunod na tanong ni Anton.
" Sir, si manang fe kanina masama ang pakiramdam nya kaya pinauwi ko na, huli ko nang maalala na wala ka nga palang pagkain dito sa bahay mo, tapos, yung numero ng telepono mong ginagamit hindi ko po alam kaya buti nalang tumawag kayo". Paliwanag ni Marian habang puno ang bibig ng fries.
"Oh, ok., ". Tumango tango nalang si Anton.
"Ah Sir, hindi na siguro tuloy yung engagement mo nuh, kasi mukhang natauhan na si Ms. Trisha? " Usisa ni Marian habang sunod sunod ang kagat sa cheese burger na hawak nya.
"Wala pa akong na re-receive na tawag mula kay Mr. And Mrs. Torres. kaya for sure hindi parin nya inaatras yung engagement". Naka tingin si Anton sa malayo habang si Marian ay nasa lamesa naka upo at naka harap sa knya.
BINABASA MO ANG
FOREVERMORE (ang alamat)
FanficAng alamat ng matamis na mangga sa Bayan ng San Isidro. Sa Hacienda na ang naka tanim ay puno ng mangga. Sa ilalim nun matatagpuan ang dalawang taong nag mamahalan at ang tamis ng kanilang pag iibigan ang pinag mumulan ng tamis ng bunga ng mangga...
