chapter 13

182 25 9
                                    


Dumating ang araw ng birthday ni Leo at nang kapatid nito.

Halos mag pahila na si Marian kay Anton sa sobrang hiya nya.

Marami kasing mga bisita halatang mga sosyalin ang iba. Nasa may swimming pool area ang mga bisita pati ang birthday celebrant.

Habang sa loob naman nang bahay nila nag pa party ang mga teenager na ka idaran ng kapatid ni Leo.

Agad naman silang sinalubong ni Leo. Mga old friends at classmates nila ng college ang nandun.

May mga bumati din kay Anton at sa kasama nyang si Marian, pero karamihan ay dini-deadma lang si Marian.

"Anton ang daming tao, uuwi na ako".Bulong ni Marian kay Anton habang mahigpit ang kapit nya sa braso nito.

Naka mini dress sya nang bulaklakin  at flat shoes. Tamang lugay lang nang buhok at my clip sa isang side, sa bandang tenga nya.

She looks really simple and cute.
Pero dahil mga sosyalin ang andun tinitingnan lang nila sya mula ulo hanggang paa, yung tingin na. *Who's that girl*.

"Marian relax nandito  ako.". Bulong din ni Anton sa kanya.

Pinapalibutan na sila ng mga bisita ng  mga oras na yun.

" Ay Bro, kanina ka pa pala hinahanap ni Dianne, puntahan mo  muna". Wika ni leo na may hawak pa itong baso na may lamang red wine.

"Tara Marian". Anyaya ni Anton.

" Ayaw,ko ikaw nalang, hintayin nalang kita dito". Pigil ni Marian nang bahagyang hilahin sya ni Anton para pumasok sa loob ng bahay kung nasaan si Dianne.

"are you sure? ".

Tumango lang si Marian sa kanya.

Pumasok na si Anton sa loob para batiin si Dianne at ibigay ang binili nyang regalo na naka lagay sa paper bag para dito.

Naiwan si Marian mag isa.Ilang minuto na ang naka lipas ang wala parin si Anton. Nahihiyang iginala nya ang kanyang mga mata.

Nakita nyang abala si Leo sa mga bisita nito.

" Hi".

Isang bati na naka pag palingon kay Marian sa kinaruruonan ng boses nito.

"Ms. Trisha". Mahinang tugon ni Marian. Hindi nito Pinahalata ang pagka gulat nya nang makita nya ito.

" Isinama ka parin ni Anton kahit halata namang hindi mo kayang nakihalubilo sa mga tao dito".

"Ms.Trisha ayaw ko nang gulo".

" Really?  E bakit nandito ka pa?".

Sinipat ni Marian si Trisha. napansin nito na namumungay na ang mga mata nito at parang umuuga ito habang naka tayo.

"Ms. Trisha, lasing kana ata-".

" No!  I'm not drank!  Listen to me, kung inaakala mo naniniwala ako sa sinasabi mong girlfriend ka ni Anton,No!halos lahat nang nandito kilala si Anton,at alam nila na hindi papatol si Anton sa katulad mo, bumalik kana don sa inyo! ".

Sumisigaw na si Trisha dahilan para makuha nya ang atensyon nang mga bisita.

"Trish!? ".

Lumapit si Leo kay Trisha para ilayo na ito kay Marian.
Kinuha ni Leo ang baso sa kamay nya na may lamang wine.

Sakto namang lumabas na si Anton sa loob nang bahay nila Leo.

Nakita nya na nag bubulong bulungan na ang mga tao sa palibot ni Marian at Trisha.

FOREVERMORE (ang alamat)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon