chapter 1:Hacienda

223 17 0
                                        

Mag kasabay na lumaki sina Marian at Anton sa Hacienda ni Don Alejandro Dela Riva.

Ang lahat ng taong naka tira doon ay nag tatrabaho sa Hacienda sa sobrang lawak kasi ng lupain at sa dami rin ng puno ng manggang naka tanim rito.

Sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Don Alejandro ay masaya nila iyong ipinag diriwang.

Ngunit nang mag kanya-kanya ang mga magulang ni Anton ay minsan nalang maka punta ng Hacienda ang mag ama. Busy narin kasi si Anton sa kanyang trabaho. Iginugugol nya ang panahon at oras sa pag tanggap ng proyekto bilang arkitekto.

Sa pamamagitan nun ay hindi nya na iisip na broken family sya.

Ang Daddy nya ay madalas sa ibang bansa dahil sa business transaction.Ang mommy nya ay may kinakasama naring iba.At wala syang balak alamin kung sino.

Sa Hacienda abala ang lahat sa pag hahanda sa kaarawan ng mabait na si Don Alejandro. Gusto nila itong isurpresa kahit maliit na salosalo lang sa pangunguna ni Marian.

Sinubukang kontakin ni Marian si Anton para I paalam ang surpresang ihinanda nila para sa Don. Gusto Sana ni Marian na pumunta si Anton bilang surpresa. Alam kasi nya na si Anton ang makaka pag pasigla sa matamlay na si Don Alejandro.

Ngunit sa paulit-ulit na pag subok na ma kontak si Anton ay laging wala O busy ang sagot sa kanya ng laging nakaka sagot ng tawag nya. Ang pag kaka alam nya ay kasambahay iyon ni Anton.

"Nay Hindi ko ho talaga maka usap si Anton". Napahaplos nalang si Marian sa kanyang batok ng harapin ang kanyang Ina at Lola na nag aabang din kung makakausap ba ni Marian si Anton.

" Kawawa naman si Don Alejandro, si Anton na nga lang ang inaasahan nya wala pa". Pabulong na sabi ni aling Maribel na ina ni Marian.

"Oo nga, e ano kaya kung puntahan mo sya sa maynila apo". Si Lola Sonia ang Lola ni Marian.

" La,gustuhin ko man ho, e wala naman akong alam sa pasikot-sikot sa maynila, baka maligaw lang ako doon". Paliwanag ni Marian.Aminado sya na gusto nya ring puntahan si Anton sa tirahan nito sa Maynila.Ngunit nag aalinlangan sya na baka mabigo lang syang maka usap ito.

"Kawawang Don Alejandro". Tanging na sambit na lamang ni Lola Sonia.At sabay sabay silang napa tingin sa silid kung saan naroon si Don Alejandro na naka higa sa kanyang kama na walang imik at tulala.

Habang nasa loob ng mansyon si Marian kasama ang Lola at ang kanyang ina ay natapos narin sa Wakas ang inihandang surpresa. Agad na ipinaalam iyon kay Marian ng isa sa mga tauhan.

Nilapitan ni Marian si Don Alejandro at sinabing may ipapakita lamang sya, kailangan nilang bumaba at lumabas ng masyon.
Hirap narin makalakad ng Maayos si Don Alejandro kaya kina-kailangan lagi syang may tungkod na hawak upang maging suporta sa kanyang balanse.

Dahan dahan silang bumaba ng hagdan.
Pagka bukas palamang ng pintuan ay bumungad na agad ang mahabang lamesa na puno ng ibat ibang putahi.

Syempre Di mawawala ang mangga sa hapag.

"Maligayang kaarawan Don Alejandro! ".Bati ng mga tauhan at residente sa Hacienda na dumalo din.

Agad na lumawak ang ngiti sa mga labi ng Don.

" Maraming salamat sa inyong lahat, akala ko ay wala ng babati sa akin ". Naka ngiti ngunit ramdam ng bawat isa na may Kirot sa mga litanya ni Don Alejandro.

" Ay Don Alejandro, Alam nyo bang si Marian ang may ideya na isurpresa kayo? ". Natutuwa sa galak na ipinag malaki ng isa sa mga tauhan ang ginawa ni Marian.

" Oo nga, kaya ang swerte ng apo nyo kung sila mag kakatuluyan ni Marian ". Hirit pa ng isa sa mga kasamahan nila.Agad na sinundan iyon ng malakas na tawanan ng bawat isa.Noon paman ang tinutudyo na nila si Marian kay Anton at hindi na bago yun para kay Marian.

FOREVERMORE (ang alamat)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon