Ang alamat ng matamis na mangga sa Bayan ng San Isidro.
Sa Hacienda na ang naka tanim ay puno ng mangga. Sa ilalim nun matatagpuan ang dalawang taong nag mamahalan at ang tamis ng kanilang pag iibigan ang pinag mumulan ng tamis ng bunga ng mangga...
Tahimik lang si Marian na naka upo sa sulok ng opisina ni Anton at nag hihintay nang hudyat nito kung kailan sya pwedeng umuwi.
Matapos kasi ng nangyari kanina ay agad na tinawag si Anton ni Leo para sa isang meeting.Halos mag iisang oras ng mag isa si Marian sa loob ng silid.
Nilibot ni Marian ang paningin nya at napako ang tingin nya sa isang book shelves na isipan nyang mag hanap nang pwedeng basahin para naman hindi sya mainip.
Sa pag hahanap nya di inaasahang makita nya ang isang manipis na libro at kakaiba ang cover nito kesa sa nakararami hindi rin sya kasing laki ng mga ito.
Nang basahin nya ito ay nanlaki ang mga mata nya.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
"Totoo ba itong na babasa ko?!" Gulat na tanong nya sa kanyang sarili. Hindi makapaniwala si Marian sa kanyang nabasa.Ang tanging alam nya lang kasi ay kwento lang ito sa bayan nila at pinatutuhan ni Don Alejandro pero hindi nya lubos maisip na naka sulat din pala ito sa libro.
Ilang saglit pa ay narinig nya ang pag bukas ng pinto.Agad nyang itinago sa likuran nya ang libro.
Napansin agad ni Anton ang pagka balisa at pagka gulat nya kaya agad syang nilapitan nito.
"Marian are you ok?" Alalang tanong nya sa dalaga.
"Opo," mabilis nyang sagot.
Akala nya ay nakita na ni Anton ang itinago nya sa likod buti nalang at hindi dahil sigurado sya na kukunin iyon sa kanya kapag nakita ni Anton.
"akala ko ba di ka naniniwala sa alamat,bakit meron ka nito?" tanong ni Marian sa kanyang sarili.
Nag tungo na si Anton sa table nya para ituloy ang ginagawa nitong sketch.
"Gusto mo na bang umuwi ? ipapahatid na lang kita kay Aron,medyo ma le-late ako ng uwi sa bahay ngayon eh". wika ni Anton.
"Sige sir,kanina ko pa nga gustong umuwi eh,ahm sa bahay kayo mag hapunan ha, mag luluto ako ". kahit alam naman nyang hindi kumakain si Anton sa gabi ay nag baka sakali itong mapilit nya ulit kumain sa bahay nila.
Oo bahay na nila yun dahil silang dalawa na ang nakatira doon.
"Sige". Walang lingon lingon nyang tugon sa katapat na si Marian.
Agad tinawagan ni Anton si Aron para ipahatid si Marian sa bahay. Gamit ni Aron ang kotse ni Anton dahil nandun ang mga pinamili nilang mga damit sapatos at bag ni Marian.
Habang nasa sasakyan inumpisahan ng basahin ni Marian ang libro gusto nya nang malaman kung ang kwento sa loob nun at kwento sa kanilang bayan ay iisa lang.
Napansin ni Aron ang abalang si Marian na nag babasa.
"Ano yang binabasa mo Yanyan? ".
Nagulat naman si Marian at bigla syang napahinto sa pag babasa.