Chapter 9:People changed

153 24 8
                                        

 Mag kakalahating oras na, mag mula ng dumating sila ni Marian sa loob ng opisina.Pero pansin ni Anton ang pananahimig ni Marian,kahit sa sasakyan ay hindi sya kinakausap nito.

Naninibago naman sya sa ikinikilos nito.Noon kasi ay hindi ito maubusan ng kwento lalo na pag mag kasama sila.

"Ahm Marian baka gusto mong kumain? hindi kapa nag be-breakfast diba?". Nilapitan ni Anton si Marian na nasa kabilang table at nag babasa nang librong kinuha nya sa book shelve.

Nilingon lang sya nito sabay iling at bumalik na ulit sa pag babasa.

"May problema kaba? bakit kanina kapa tahimik? hindi mo  ako kinakausap?"  tanong ni Anton habang naka pamulsa ito at naka tapat kay Marian.

Isinara ni Marian ang libro,tumayo ito at diretsong tumingin sa mga mata ni Anton.

"Pwede bang ihatid mo na ako sa Hacienda,gusto ko ng umuwi". Walang ibang reaksyon si Marian ng sabihin ang mga iyon kay Anton.

"Bakit ang bilis naman ata? tsaka hindi pa natin sigurado na ititigil ni trisha ang engagement".

"Hindi nyo naman ako kailangan dito diba? Hindi ko nga rin alam kong bakit ako pumayag sa gusto nyo,". 

"Marian? ano ba talagang problema mo?ok ka naman  kaninang umaga ah?"

"Ako kasi talaga yung problema,sarili ko, kasi kahit sabihin kong tamana nag mumukha lang akong tanga na umaasang magugustuhan mo rin pero hindi parin sumusunod ang puso ko".

Sinalubong nya ang pumapatak na luha sa mga pisngi nya.Agad agaran nya itong pinunasan.

"Siguro nga di na rin kami dapat umasa sayo pati ang pangangalaga sa hacienda,hindi na dapat namin iasa sayo yun." Nangangatal ang boses nito habang pinipilit na makapag salita.

Tumalikod si Marian nag tungo ito sa pintuan ng opisina.Wala namang ibang nasabi si Anton sa mga oras na yun.

Pag bukas ni Marian ng pinto ay bumungad sa kanya si Trisha na naka pamewang at naka taas ang kilay sa kanya.

"Oh hi fake girlfriend of Anton". Mataray na bati ni Trisha kay Marian.

"Hello".  Tugon ni Marian na nag pa singhap kay Trisha.

"So inamin mo narin na fake nga ang relationship nyo". tumaas ang gilid ng labi nito.

Tumingin muna si Marian kay Anton na nasa likuran na nya bago muling ibinaling ang tingin sa katapat na si Trisha.

"Hindi.Pero sige kung yan ang pinaniniwalaan mo,Pero may tanong ako sayo.Hindi kaba nag tataka kung bakit kami nag papanggap?". 

Kumunot ang noo ni Trisha.

"Bakit!?".

"Kasi ayaw nyang ma engage sayo,ibig sabihin mas gusto nyang magkaroon ng fake girlfriend kesa makasama ka sa iisang bobong,yun ang lamang ko sayo,ako kasama ko sya sa bahay, mag katabi panga kaming matulog e,ang swerte ko namang FAKE GIRLFRIEND.Excuse me ho Ms.Trisha"

At diretso na nitong nilagpasan ang naka tulalang si Trisha,halatang nagulat ito sa mga narinig kay Marian.

Nakasalubong naman ni Marian si Aron.Bumati ito sa kanya pero nilagpasan nya lang ito.

Agad namang na ngusap ang mga mata ni Anton ng magkatinginan sila ni Aron.Naintindihan naman ni Aron ang ibig nyang ipahiwatig. Agad nyang isundan si Marian.

"huhuhuhuhuhu". Hagulhol ni Marian sa loob ng sasakyan ni Aron.

"Tama na Yanyan.Pasensya kana sa kaibigan namin ah,may pagka pusong bato kasi yun". hinahagod ni Aron ang likod ni Marian habang pinapakalma ito.

Na ikwento kasi ni Marian kay Aron ang lahat ng kanyang sama ng loob kay Anton.

"Hindi na sya yung Anton na kalaro ko noon at kasama kong manungkit ng mangga pag uuwi kami galing paaralan".

"Yanyan,people changed,you have to accept the fact, that he is not the same person you use to admire before".

"Siguro nga Ronron,Ako lang siguro yung nag pupumilit na ibalik sya sa dating sya."

Ngumiti lang sa kanya si Aron .

"Anong gusto mong gawin? gusto mo bang kumain? free time naman ako ngayon e pwede kitang samahan". Tanong ni Aron.

"Sige na nga,gutom na rin ako eh pero wag sa mamahalin ah,". Wika nito habang pinupunasan ang luha nya ng tissue na ibinigay sa kanya ni Aron.

" sige may alam ako". 

Pinaandar na ni Aron ang makina ng kanyang sasakyan.

Madilim dilim na nang maihatid ni Aron si Marian sa apartment.Hindi pa man sila nakaka pag doorbell ay agad na bumukas ang pinto.

"Saan kayo galing?" Bungad na tanong ni Anton.

Maaga itong umuwi para O check si Marian sa bahay, pero pag dating nya wala syang nadatnan doon. Kaya minabuti na nya na hintayin ang pag dating nito.

Sinubukan ng kontakin si Aron dahil sa pag kaka alam nya ito ang sumunod kay Marian.
Pero out of coverage area ito.

"Ahm bro sinamahan ko lang sya,gusto nya daw mamasyal eh.Naihatid ko naman ng buo bro ".

Nakangiting paliwanag ni Aron sa kaibigan.

Bago pa man sya kainin ng buhay sa mga titig nito ay mabuti pang umalis na sya,nag paalam lang sya kay Marian bago tuluyang umalis.

Pumasok na sa loob ng bahay si Marian .Pagka sara nang pintuan.

"Hindi na tuloy yung engagement,thank you". 

Nang maka alis kasi si Marian ay kinausap sya ni Trisha,sa puntong yun kasi sa tingin nya ay nasupalpal sya ni Marian.

Naka ramdam sya nang hiya at awa sa sarili na kung ipipilit nya ang sarili nya rito ay baka hindi rin sya magiging masaya, kaya sinabi nya kay Anton na hindi na nya itutuloy ang engagement.

Inamin nya na masyado lang syang disperada para makuha ang loob ni Anton.

"Talaga,mabuti naman para maka uwi na ako sa amin". Hindi tinatapunan ng tingin ni Marian ang kaharap na si Anton.

Nag diretso lang itong umupo sa may couch.

"Sige,pero sasama ako,i will take a vacation leave". Umupo rin ito sa tabi ni Marian.

"Sigurado kaba? pag isipan mo muna,baka isisi mo pa samin pag nagka problema ka dito,hindi na kita pipilitin sa gusto ko kaya wala ka dapat ika bahala".

Sandaling nag karoon ng katahimikan sa pagitan nila.Tahimik lang na naka upo sila sa magka bilang sofa.

"Marian? anong meron sa inyo ni Aron? bakit parang sobra naman at ang pag close  nyo,may  tawagan pa kayo".Basag ni anton sa katahimikan.

"Mabait si Ronron, tsaka hindi sya mahirap paki samahan".

" Bakit ako?mahirap ba akong paki samahan? ". Tanong ni Anton na nag palingon kay Marian sa direksyon nya.

Tinitigan sya ni Marian. Tumagal ng sampong segundo ang titig na yun na parang may sinasabi sa kanya.

"Marian? Galit kaba sakin?dahil ba sa hindi kita ma-". Hindi na natapos ang sanay sasabihin ni Anton dahil agad itong pinutol ni Marian.

" Sir, wala na ho yun,at Hindi ho ako galit sainyo. Wag nyo nang isipin ang mga pinag sasasabi ko kanina, wala namang kwenta yun".

"Marian, ".

Tumayo na si Marian at nag tungo na ito sa kwarto ng walang sabi-sabi.

Napansin naman ni Anton ang naka silip na bagay sa ilalim ng couch, kinuha nya ito, napa buntong hininga nalang sya ng makita nya ang libro na nasa book shelves nya dapat. Ang alamat.
















FOREVERMORE (ang alamat)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon