Isang buwan na ang nakakalipas nang bumalik si Marian sa San Isidro.Simula nang araw na naka tungtong na ulit sya sa lugar ay ipinangako na nya sa sarili nya na kakalimutan na nya si Anton at ang feelings nya para dito.Itinuon na lang nya ang kanyang atensyon sa pag tulong sa Hacienda gaya nang kanyang kinagawian ng hindi pa sya na papadpad sa maynila.
Napansin naman nang Lola at Nanay ni Marian ang kakaibang kinikilos nito. Madalas ay gusto nitong mapag isa at sobra na itong tutok sa pangangalaga nang manggahan.
Na susungetan na rin nya minsan ang mga trabahador sa Hacienda pag may mga hindi sila na gagawa nang tama.
Kaya halos lahat sila ay naninibago na sa dalaga .Hindi na sya ang Marian na kilala nila na masayahin at mapagbirong Marian.
Kahit si Don Alejandro ay nag tataka narin.Nang minsang tumawag si Anton sa mansyon ay nag kataon naman na nandun si Marian kaya sinabi ni Don kay Marian na gusto syang kausapin ni Anton,pero umiling lang ito at lumabas na nang mansyon.
Dahil sa ganung sitwasyon ni MArian ay na isipan na nang Nanay nya na kausapin na ito nang masinsinan.Hindi kasi ito nag kukwento sa kanila at hinayaan lang nila ito.Pero na babahala na sila dahil hindi nila ito makausap nang madalas.
Nasa bintana noon si Marian at naka tulalang pinag mamasdan ang paligid nya nang umupo ang nanay nya sa kanyang tabi.
"Anak,pwede ba tayong mag usap? "
"sige po nay". Tugon nya habang naka tingin parin sa malayo.
"gusto ko kapag nag tanong ako ,sasagutin mo ha".
"tungkol po saan ?" Tsaka nya nilingon ang ina.
"Kamusta na kayo ni Sir Anton? sabi mo kasi sa akin noong umuwi ka,namimiss mo na kami kaya ka umuwi.Pero bakit parang hindi yun ang nararamdaman ko,bakit parang may mas malalim pang dahilan?"
Hindi agad naka sagot si Marian ,naka titig lang sya sa nanay nya,napansin naman agad nang nanay nya ang lungkot sa mga mata nang mahal na anak.
Hindi na nya ito muling tinanong kung bakit.Alam nya at ramdam nya ang bigat na dinadala ni Marian sa loob nito.
"Anak ,kahit hindi ka mag salita nararamdaman kong malungkot ka at hindi maganda na sarilinin mo lang yan habang panahon.Nandito ako kami nang lola mo,kaya wag kang mag alinlangan na mag labas nang saloobin mo sa amin.Pamilya mo kami".
Mangilid-ngilid ang luha ni Marian sa sinabing yun nang kanyang ina.
Yumakap sya dito nang mahigpit atsaka ibinuhos ang di mapigilang pag agos nang kanyang mga luha.
"Nay,ang hirap pala,kung alam ko lang na mas masasaktan ako pag naka sama ko sya,hindi na sana ako pumayag na sumama sa kanya at hindi na patuloy na umasa."
Hinaplos ni aling Maribel ang buhok ni Marian habang naka yakap at naka yukyok ito sa kanyang dibdib.
"Anak,ganun talaga pag nag mamahal ka nang totoo,dadating sa puntong sasaya ka at masasaktan ka ,doble pa sa naramdaman mong saya ang sakit na mararamdaman mo ,kasi nga nag mahal ka."
"Anong gagawin ko nay, hindi ko sya makalimutan,kahit anong gawin ko.Ang sinasabi nang puso ko ay sya at sya parin,lalo na yung mga panahong ipinaramdam nya sa akin na mahal nya rin ako kahit alam kong pagpapanggap lang naman lahat nang yun".
Patuloy ang pag agos nang kangyang luha.
"Makakalimutan mo din sya,dadating ka din dun anak.Pero sana naman wag mong hayaang mawala ang dating Marian dahil lang sa nasasaktan ka."
Tumango lang ito sa sinabi nang kanyang ina sa kanya.
"E Nay,kayo po ba? gaano katagal bago nyo nakalimutan si Tatay?".
BINABASA MO ANG
FOREVERMORE (ang alamat)
FanficAng alamat ng matamis na mangga sa Bayan ng San Isidro. Sa Hacienda na ang naka tanim ay puno ng mangga. Sa ilalim nun matatagpuan ang dalawang taong nag mamahalan at ang tamis ng kanilang pag iibigan ang pinag mumulan ng tamis ng bunga ng mangga...
