Patuloy ang pag habol ni Anton kay Marian.
Hanggang sa makaramdam na ito nang pagod.
Nasa loob na sila ngayon nang manggahan. Nilingon naman ni Marian ang pagod at hinihingal na si Anton.
"Ano? Kaya mo pa? ".
" Ang bilis mo namang tumakbo, hindi kita maabutan".
"Sino ba kasing may sabing sundan mo ako?! Diba sabi ko bawal kang lumapit".
" Gusto lang kitang makausap".
"Bakit pa? Ok na naman ang lahat diba? Ilang buwan narin ang lumipas, kalimutan nalang natin yun".
" Pero Marian, hindi mo ba ako ulit tatanongin? ".
" Anong tanong? ".
" Yung tanong mo sa akin na hindi ko nasagot, kaya ka umalis diba? Dahil doon? Tanongin mo ako ulit, masasagot na kita ".
" Hindi na kailangan Anton. Hindi ko na kailangan nang sagot,tsaka hindi na kita mahal, bumalik kana doon sa girlfriend mo".
Iiwanan na sana ni Marian si Anton nang harangin sya nito.
"Ano? Sinong girlfriend? ".
" Nag mamaang-maangan kapa, yung babae na tumawag sayo kanina! ".
" Ha?! Marian, Hindi ko girlfriend Yun, kapatid ko sya kay mommy, tsaka Marian, 13 years old palang yun, ano kaba? ".
Ngumiti nang mapang asar si Anton bago hawakan ang baba ni Marian.
" Ang selosa mo naman masyado,". Pang aasar nito sa dalaga habang si Marian naman ay hindi malaman kung saan ibabaling ang tingin dahil sa sobrang lapit na nang binata sa kanya.
Mayamaya pa ay hinawakan nya ito sa balikat at biglang sinikmuraan,"ummfff! ". kaya naman agad na namilipit si Anton sa sakit napasigaw pa ito. Sabay takbo ni Marian papalayo sa kanya.
" Bute nga sayo! ". Sigaw ni Marian habang pinag tatawanan ang kawawang si Anton na naka luhod na ngayon sa damuhan at hawak hawak parin ang tyan nito.
" Marian! Pag na huli kita, humanda ka sakin! Haha! ". Tumayo sya sa pag kaka luhod at muling hinabol ang tumakbong dalaga.
" Nanay ko po". Bulong ni Marian sa sarili habang tumatakbo.Hindi nya Alam kong saan sya tutungo, kaya
na isipan nyang mag tago sa bahay nila.
Nang makarating sya sa bahay nila ay agad syang sinalubong nang Lola at Nanay nya na nag taka naman kung bakit tumatakbo si Marian at hinahabol ang hininga.
"Nay!la! wag-- " Hingal na hingal itong Humarap sa kanila."wag nyong sabihin kay Anton na nandito ako ha". Pandalas ito sa pag sasalita, hindi pa man nakaka sagot ang Nanay at Lola ni Marian ay tumakbo na ito sa loob nang bahay at nag tungo sa kwarto nila.
BINABASA MO ANG
FOREVERMORE (ang alamat)
FanficAng alamat ng matamis na mangga sa Bayan ng San Isidro. Sa Hacienda na ang naka tanim ay puno ng mangga. Sa ilalim nun matatagpuan ang dalawang taong nag mamahalan at ang tamis ng kanilang pag iibigan ang pinag mumulan ng tamis ng bunga ng mangga...
