Anton's POV.
Isang araw na ang nakalipas, Hindi na ako makapag concentrate sa ginagawa ko.
"Damn that engagement". Bigla bigla nalang akong naiinis pag naiisip ko ang kalukuhang ginawa ni Trisha.
Napasandal ako sa aking moving chair dito sa loob ng opisina ko.
Hindi ko na Alam kong ano pang iisipin, walang pumasok na idea sa isip ko kung paano mapipigilan ang engagement na yun.
Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni Aron na parang may kausap. Ang lakas naman ng boses nya. Bingi ba ang kausap nya bakit abot hanggang dito sa loob.
Na aninag ko na papalapit na sya sa may pintuan ko at may kasunod.
Bigla akong napatayo sa upuan ko ng marinig ko ang huling sinabi ni Aron.
"Wala nga sya Trisha! Bumalik sa Hacienda nila kahapon! ". Madiin at malakas ang pag kakasabi nya ng pangalan ni Trisha i think that is his way for me to know that trish is coming.
Shit! Kailangan kong mag tago.
Wala na akong ibang maisip taguan kung hindi sa ilalim ng table ko. Dahil binubuksan na nila ang doorknob.
"Where is he?! ". Pasigaw na tanong ni Trisha.
" Ang kulit mo sabing bumalik nga sa Hacienda". Si Aron.
"And what is the hell his doing there!? Next week na ang engagement namin? Tinatakasan ba nya ako? ".
" Ahm no, pumunta sya dun kasi susunduin nya si Marian ".
" At Sino naman si Marian? He's new yaya? ".
" Ahm Girlfriend ni Anton".
"What?! Girlfriend?! Walang girlfriend si Anton! Ako lang! ".
" Sige na umuwi kana sa inyo, doon kana mag wala".
Narinig kong naisara na ang pinto. Kaya dahan dahan kong inangat ang ulo ko para silipin kong wala na sila.
"Woossh!, so close".
But what the heck!? Bakit nya sinabing girlfriend ko si Marian.
Maya Maya pa ay bumukas ulit ang pinto. Para na akong may trauma pag may mag bubukas ng pinto dahil kinakabahan agad ako.
Kumalma ako ng makitang si Aron yung pumasok.
" Ayan bro,pinauwi ko na sa kanila".
"Sira ka talaga, paano natin ngayon mapapatunayan ang sinasabi mong sinundo ko ang girlfriend ko na si Marian sa Hacienda".
" Bro, kailangan na nating puntahan si Marian, ibaba mo na yang pride mo, mag sorry kana ikaw naman talaga may kasalanan diba? ".
" No! Kahit anong sabihin nyo Hindi ako pupunta dun para suyuin sya".Angal ko pa.
"Ang kapal naman ho ng mukha nyong puntahan ako dito, Tapos aalukin nyo ako para maging fake girlfriend mo! Na parang wala ka lang sinabi sa akin na ikinasama nang loob ko?! ". Nang gagalaiti si Marian sa galit sa kanyang narinig.
Sinabi kasi ni Aron agad ang pakay namin sa kanya nang ipakilala ko sila sa kanya.
" Aray! ". Iniilagan ko ngayon ang manggang ibinabato sa akin ni Marian, mga bulok na mangga!.
" Apo, mag hulos dili ka, mag mamantsa ang damit nila pag natamaan nyan".
Awat awat ni LoLa Sonia at Aling Maribel si Marian habang gigil na gigil sa pag bato sa akin. Pati si Aron at Leo ay nadadamay narin.
BINABASA MO ANG
FOREVERMORE (ang alamat)
FanfictionAng alamat ng matamis na mangga sa Bayan ng San Isidro. Sa Hacienda na ang naka tanim ay puno ng mangga. Sa ilalim nun matatagpuan ang dalawang taong nag mamahalan at ang tamis ng kanilang pag iibigan ang pinag mumulan ng tamis ng bunga ng mangga...
