Prologue

7K 196 13
                                    

PROLOGUE

Labing walong taon na ang nakakalipas, Ang Reyna at Hari ay nagkaroon ng Ikalawang Anak, sa huling buwan ng kaniyang pagdadalang tao ay binisita siya ng mga diyos at diyosa at binasbasan ang kaniyang anak na pinagbubuntis.

Makakamit ng kaniyang anak ang kakayahan na makontrol ang lahat ng elemento at kakayahan na matutunan ang kahit anumang kapangyarihan sa oras na makita or maramdaman niya ito.

Nang Isinilang ang batang nagtataglay ng lahat ng elemento, lahat ng may kakayahan makita ang hiniharap ay biglang nagliwanag ang mga mata, kasabay nito ang pagbigkas nila ng mga katagang:

Ang Batang nagtataglay ng lahat
Ay siyang sasagip sa sanlibutan
Sa pagsikat ng pulang buwan
Magaganap ang isang Digmaan

Pinatawag ng Mahal na Hari ang kanyang tagabantay at pinabantayan ang anak nito habang nagpupulong ang mga hari't reyna sa narinig nilang propesiya.

Ngunit tila ba ay nakaramdam ang tagapagbantay na para bang may mangyayaring mali. Kaya napagdesisyunan niyang gumawa ng kawangis ng bata at ipinalit ito, dinala niya ang bata sa mundo ng mga mortal at doon iniwan. Napatingin ito sa gilid niya at nakita niya ang isang batang lalaki.

"Itago mo ang sing sing na ito, at ibigay sa taong maghahanap nito sa iyo. Mahahawakan lamang ito ng kanyang may ari at ikaw na tagabantay at taga ingat nito.

Diyosa ng mga alala, bigyang pansin ang aking pagsusumamo. Hayaan mong tandaan niya ang aking mga katagang aking iniwan sa kaniya.

Ang taong may ari nito ay may marka ng dahon sa likuran nito" pagkatapos niyang bilinan at bigkasin ang Salawikaing Bigkas ng Pag-Alala, ay inilagay niya ang singsing sa kwintas na suot ng bata at iniwan ang sanggol dahil may paparating na tao.

Umalis din agad ang bata dahil nakakita siya ng taong nababasa niya sa libro dahil ikukuwento niya ang nakita niya sa kaniyang mga magulang. Bumalik siya sa kaniyang puwesto at binantayan ang Clone ng bata.

Pero bago makita ng taong makakapulot sa bata ay tumigil ang oras at lumabas mula sa kaniyang pagtatago ang isang babaeng mangkukulam.

Diyos ng Pagseselyo
Dinggin ang aking Pagsusumamo
Iselyo ang taglay na lakas ng sanggol na ito.

Sa pagsapit ng kaniyang ikalabing walong kaarawan
Mawawalan ng Saysay ang Salawikaing Bigkas na ito

Walang kapangyarihan sa mundong ito o sa mundo man ng may kapangyarihan ang makakapagbago nito.

Nabalutan ng berdeng kulay ang bata at lumabas sa likuran nito ang marka ng Salawikain ng Pagseselyo. Bumalik sa pag galaw ang oras at nawala narin ang babae.

Sumapit ang gabi at malapit na makompleto ang mga bituin ni Cassiopeia. Habang binabantayan ang sanggol ng tagapagbantay may pumasok na lalaki sa loob at agad na pinatamaan siya ng kapangyarihan dahil naubos ang kaniyang enerhiya sa pagbigkas ng isang salawikain ay agad itong namatay.

Kinabukasan narinig sa buong palasyo ang pagiyak ng mahal na Reyna. Agad na kumalat ang balita na napatay ang sanggol, ngayong wala na ang sanggol na sasagip sa sanlibutan.

Napuno ang bawat paligid ng lungkot, dahil sa pagiyak ng isang ina nangungulila. Unti-unti namatay ang mga halaman sa Gubat na dati ay maganda kasabay rin nito ang pagkatuyot ng ilog na nakapaligid sa kaharian ng Hora.

Pero hindi maaring makapasok ang mga Horarins sa mga bayan ng mga kaharian sa Horareins. Dahil sa nangyari ay agad pinagawa ang mekanismo na gagawa ng harang sa hangganan ng mga teritoryo ng mga Kaharian na katabi ng mga Kaharian na sakop ng Imperyo ng Horarins.

May harang ang buong kaharian ng Horareins. Hihina ito paunti unti dahil ang Crystal ay maari lamang magtagal ng labing siyam na taon at magaganap ang Digmaan dalawampung taon mula ngayon.


-Phantom_Writer

Edited.

Hora: Discovering (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon