CHAPTER FOUR
"HORA AND EARTH ISNT MUCH DIFFERENT AT ALL"
ASH POV
Agad akong tumayo sa aking higaan, naligo sa CR dito sa may kwarto ko.
Sinuot ko na ang uniform sa na binigay sa akin, ganda naman ng uniform nila, ay namin na pala hahaha.
Kulay Maroon ang blazer niya na may Linings na puti pero nung sinuot ko ito naging silver ito, kulay puti ang long sleeves na polo at may green at puting stripes ang necktie. Maroon din ang Slacks, kinuha ko din ang logo na may pin sa likod.
Wala pang ID pero may Nameplate na ako, kinabit ko ito sa may bulsa ng Blazer.
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko din sila palabas ng kwarto nila. Same kami ng uniform, pero iba kulay ng linings ng Uniform nila. Nakadepende talaga siguro ang kulay nito sa powers mo.
"Sa Cafeteria na tayo kakain" sabi sa akin ni Oliver. Nagsasalita pala siya hehehe. Teka, nakalimutan ko wallet ko nandoon yung binigay ni HM na card eh, black card yung binigay sa akin. Sinukbit ko na din yung bag ko na may ilang notebook na nakalagay.
Lumabas na kami ng dorm, at napansin ko na glass wall ang hallway kaya kitang kita ang buong labas maging ang itaas na parte nito ay salamin kaya natural light ang nasa hallway, ganda naman.
Nang makasakay kami ng elevator doon ko napansin yung kulay ng buhok ko, silver na siya. Gusto ko kasi messy hair ang ayos ng buhok ko, muntik na nga akong magtagal doon sa CR eh pero ngayon ko lang napansin na silver na siya.
Pagkalabas namin nandoon na ang mga babaeng royalties, lumapit sa akin si Adriana at pinisil ang pisngi ko.
Yung Uniform ng mga babae ay ganun lang din katulad sa amin yung long sleeves na polo na puti at Kulay maroon na blazer na pangbabae at ang palda nila is maroon na may linings sa ilalim o sa dulo nito.
"Ang Cute mo talaga!" Sabi nito habang pisil pisil ang pisngi ko. Nang bitawan niya doon ko naramdaman ang pagiinit ng mukha ko, compliment yun diba?
Nasa may likod ako nila habang sila ay naglalakad papunta sa Cafeteria.
Doon ko narinig ang tilian nila, napansin ko na natanggal sa sintas ang rubber shoes ko, wala kasi akong black shoes. Saka siguro okay lang naman yan, ganda nga eh bagay sa suot ko hehehe.
Napansin ko na nakapasok na sila, kaya dali-dali akong pumasok sa loob ng cafeteria.
Pagbukas ko ng pintuan doon ko napansin ang titig nila sa akin, napatungo ako dahil tinititigan ako.
May dumi ba sa mukha ko? Wala naman siguro.
Omg! Siya ba yung Transferee na gwapo?
Another Fafa in the house!!!
Napakamot ako ng batok ko dahil sa mga narinig ko. Hinila naman ako ni Louie sa upuan nila, nabigla nga ako eh.
I felt my cheeks burning with what happened. I never had friends maliban kela Marie. I never thought about my sexuality, Im fine with what destiny will give me.
Sila na pala nagorder sa akin nakakahiya naman, may pera naman siguro ako, hahaha di ako sure kung may laman yung card.
Matapos naming kumain agad kaming lumabas at hila hila ako ni Aidan para hindi daw ako maligaw at lalo na hindi ko pa alam kung saan ang mga kailangan kong puntahan.
Napatingin ako sa kanila, sa paligid. Tila nakalimutan ko na yung mga sakit na naramdaman ko noon.
Ngayon ko lang ulit ito naramdaman yung saya yung tipong after nito ay hindi ko na kailangan magtago sa kwarto at doon kumain at i-entertain ang sarili pero nakakausap naman ako ng matino and lagi ako sinasabayan ni Kuya Senon sa pagkain kaya di ko nafefeel magisa simula ng mawala sila mama.
BINABASA MO ANG
Hora: Discovering (BxB)
FantasyHorarian Series: Discovering Ash Lay Hernadez, a kind and loving son to the Hernandez Family. A storm killed his parents leaving him to his cousin, Senon. From that day, Ash life become monotone and the life from his eyes is gone like it doesn't exi...