CHAPTER SIX
A bit of Horarian History
Ash PoV
Nandito kami ngayon sa gubat, hinihintay namin si Thomas dahil kumuha siya ng bangkang sasakyan namin.
"Marie, Pwede mo ba akong kwentuhan tungkol sa Mundo niyo...I mean natin?" Wala pa kasi akong alam sa mundo na iyon at saka siguro mas okay kung malaman ko narin kahit konti para naman hindi ako masyadong manibago.
"Sige simulan natin sa kung anong tawag sa mundo natin. Hora ang tawag sa mundong tinitirhan nating mga Horarian, well nahahati sa dalawang uri ang mga Horarians. Horarins ang tawag sa mga counterpart natin, I mean they were born in the western side of our world. Horareins naman ang tawag sa lahi natin pero overall Horarians ang tawag sa ating lahat.
Nabuo ang Mundo ng Hora dahil sa mga Diyos at Diyosa na sinasamaba ng mga Horareins, sa kanila ipinangalan ang mga Kingdoms sa mundo natin.
Kingdom of Fotiá (Fire)
Kingdom of Aéras (Air)
Kingdom of Págos (Ice)
Kingdom of Skotádi (Darkness)
Kingdom of Neró (Water)
Kingdom of Gi (Earth)
Kingdom of Fos (Light)
Kingdom of Astrapí (Lightning&Thunder)
Pero yung pinaka-Capital ng mundo natin ay ang KINGDOM OF HORA. Marami pang sinasambang Diyos ang mga Horareins like si Quabriel ang Diyos ng Oras (Time) at ang kanyang asawa na si Sorath ang Diyosa ng Kalawakan (Space).
Well may isang Event ang tumatak sa buong Hora yun yung time ng Horarian Bloodshed, inatake ng mga Horarins ang ilang kingdoms sa may border part ng dalawng lahi.
Maraming tumakas papunta dito sa mundo ng mga Mortal. Pero natalo naman agad sila dahil nanganak noon ang Reyna ng buong Mundo ng Hora, Si Queen Stephanie Ashley CaldWell at sa oras na lumabas ang bata para bang bumaba ang mga Diyos at Diyosa ng mga oras na iyon at bigla na lamang nawala ang mga Horarins at kasabay nun ang paglabas ng mga propesiya.
Sa pagdating ng Pulang Buwan ay mawawala ang proteksyon na naghahati sa dalawang lahi at ang anak nina Queen Steph at Haring Clifford Lay CaldWell, yung bunso nilang anak ang magtataglay ng kapangyarihang kontrolin ang lahat ng elemento.
May Panganay silang anak na si Crown Prince Dwayne Martin CaldWell, katulad ng anak nilang bunso eh makapangyarihan din ito dahil namana nito ang Kapangyarihan ng kanyang mga magulang.
Ang Ice Flame at Blue Flame, isang tao lamang bawat henerasyon ang magtataglay ng kapanyarihan ng mga Elemento pero kung makakakuha mo man minsan sub types na lang or minsan pinaghalong elements.
Ngayon ang may hawak ng mga Elements is yung mga anak ng mga hari't reyna." Haba ng kinuwento niya at wala itong tigil buti nakakahinga pa siya ng maayos, akala ko tapos na ang kwento niya kasi dumating na si Thomas dala ang bangkang sasakyan namin. Mas pinili ko na lang sumakay ng bangka kesa magswimming sa ilog.
Pagsakay namin saka niya pinagpatuloy ang kwento niya.
"Pero ang nakakalungkot dito ay patay na ang anak ng Hari't Reyna, hindi namin alam kung sino gumawa eh.
Nalaman na lang namin na patay na ang bunsong anak nito nang biglang suspendihin ang pasok sa lahat ng kingdom, pauwi kami sa dorm nun nung nagalit ang mga elemento." Pagtapos niyang magkwento tungkol sa Kasaysayan nila nakaramdam ako ng pagkalungkot.
BINABASA MO ANG
Hora: Discovering (BxB)
FantasyHorarian Series: Discovering Ash Lay Hernadez, a kind and loving son to the Hernandez Family. A storm killed his parents leaving him to his cousin, Senon. From that day, Ash life become monotone and the life from his eyes is gone like it doesn't exi...