Chapter 37 - The Fall of the Protection
3rd Person PoV
Nagising si Ash sa kaniyang pagkakatulog. Napansin ni Ash na wala sa tabi niya si Xander, sa kwarto ni Ash natulog si Xander.
Tumayo si Ash, at napansin niya ang kakaibang liwanag na nasa pintuan.
Binuksan niya iyon, at bumungad sa kaniya ang krystal na may mga crack.
Naisip ni Ash na baka pwede niyang ayusin ang Krystal ngunit hindi pa siya nakakalapit, narinig siya na hiyawan sa labas. May kasiyahang nagaganap sa labas, hindi niya ito pinansin at lumapit sa krystal ngunit tuluyan na itong nabasag.
Yung naririnig niyang hiyawan ng kasiyahan sa labas ay napalitan ng hiyawan ng pagkatakot.
Tumakbo siya palabas ngunit hindi niya mahanap ang daan palabas. Nagulat siya nang gumuho ang isang bahagi ng kastilyo. Doon niya nakita ang pagkahulog ng mga malalaking bitak ng salamin.
Ash PoV
Napabalikwas ako ng tayo sa napaniginipan ko. Parang hindi iyon panaginip, parang isang babala.
"Hey Ash, Are you okay?" Tanong ni Xander, walang saplot na pang-itaas.
"I'm fine, it's just a bad dream." Sabi ko sa kaniya. Doon ko lang narealize na wala siyang saplot na pang itaas kaya tinulak ko siya.
"Bakit wala kang damit?" Tanong ko sa kaniya, inangat ko naman ang kumot at nakita kong may damit pa ako.
"Dont worry mahal, wala PANG nangyayari sa tin. Bakit gusto mo bang meron?" Sabi niya sa akin. Tiningnan ko lang siya ng Masama, at tumayo sa kama. Bumukas naman ang pinto at pumasok ang si Kuya.
Nakita niya si Xander sa kama ko na nakahiga.
Tiningnan niya ako, hays.
"Look kuya, walang nangyari sa amin. Okay" sabi ko sa kaniya, baka mamaya makarating pa kay papa to. Hindi niya alam na nagtabi kami sa kwarto, well siya naman magiging asawa ko kung aalukin niya ako.
"Good!, kumilos ka na at kakain na tayo ng umagahan. Darating na ang mga Hari at Reyna ng ibang kaharian, at kailangan mo narin maghanda. Pagkatapos kumain, darating ang mag aayos sayo at yung susuotin mo mamaya." Sabi ni kuya, at lumabas na.
I guess this is it, ilang oras na lang isang ganap na Hari na ako.
●●●●●●●●●●●●●●●●●●●
2:30 na at 30 minutes na lang ay kokoronahan na ako. Kinakabahan ako pero nandito naman sila Kenzie at Jeff. After kong koronahan sila Jeff at Kenzie naman ay iaannounce na bilang pinakamataas na knight ng kaharian pero mas poprotektahan nila ako since protector ko sila but this time mas doble ang trabaho.
Si Kuya Dwayne naman ay itatalaga ko bilang General ng Hukbo ng Hora at itatrain sila ni Marcus hanggat hindi pa kinokoronahan si Xander bilang pangalawang Hari, since hindi pa naman niya ako Asawa.
Sila Louie at ang ibang Royalties ay kokoronahan din ngayon bilang mga Hari at Reyna ng mga kaniyang kaniyang Kaharian. Hindi nila alam na pati sila ay kokoronahan na. Alam ko sa Kaharian ng Astrapi ay nahahati dalawang kingdom pero isa lang ang tawag sa kanila. Although dalawa ang element na meron sa kanila they decided na gawing isa ang kaharian since silang dalawa ang closely related.
Hays, thinking managing about 7.2 Million people nakakastress na.
I will wear my Fathers crown, and if Xander will become my Husband he will wear the Second King Crown na nakatago sa Castle.
BINABASA MO ANG
Hora: Discovering (BxB)
FantasíaHorarian Series: Discovering Ash Lay Hernadez, a kind and loving son to the Hernandez Family. A storm killed his parents leaving him to his cousin, Senon. From that day, Ash life become monotone and the life from his eyes is gone like it doesn't exi...