Chapter Twenty Four

2.4K 123 12
                                    

Chapter Twenty Three

I Love You

Ash PoV

Ilang araw na ang lumipas simula ng magtraining kami ni Xander. Lalo na nung nagkaroon na ako ng espada, mas bumigat ang training namin simula nun. Kamusta kaya sila Jeff? Kenzie? Ang mga Royalties? Si Kuya DM? Wait alam niya kayang nawawala ako?

"Mukhang pagod na pagod ka sa patayang training niyo ah?" Bigla namang nagsalita si Marcus kaya nagulat ako.

"Pwede ba? Tawagin mo muna ako bago ka magsalita dyan!" Sabi ko kay Marcus.

"Sorry naman pero pagod na pagod ka! Ano ba yang ginagawa niyo? Training o Patayan?" Tanong sa akin ni Marcus, ewan ko kay Xander. Pero atleast natututo ako.

"So sobrang busy ka ata?" Tanong ko naman sa kaniya, since hindi ko narin naman alam kung paano sasagutin ang tanong niya.

"Hindi naman, kayo kaya ni Xander ang busy. Kakausapin pa sana kita para lang magusap pero sobra kang pagod after niyo magtraining. Nagpapahilot pa nga sa akin si Xander minsan eh" sagot niya sa akin.

"Hala, baka naman nakakaabala ang pagtatrain sa akin ni Xander sa pagiging Hari niya" nababahalang sabi ko, halos sa training ko nilalaan ang mga oras niya eh.

"Hindi naman, wala namang masyadong problema dito. Mostly ang Trade ang problema pero nasusulusyonan naman agad. So wag kang mag alala, hindi sagabal ang training mo." Sabi sa akin ni Marcus, nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.

●●●●●●●●●●●

Nagikot ikot muna ako sa bayan nila Xander, busy kasi ang dalawa at nandito sila Joshua at Raphael for some meeting. Hindi na ako nakigulo dahil baka mahalaga ang meeting nila.

Sa sobra kong pagkaaliw sa nakikita ko, nasa labas na pala ako ng boundary ng Miotal. Pero ang ganda kasi ng surroundings at ang peaceful kaya nakakapagisip ako ng mabuti.

Psst~

Napatigil naman ako sa paglalakad dahil sa narinig ko. Shit, may multo ba dito? Syempre pwedeng maging totoo yun kasi totoo ang mga vampires.

Hindi naman pwedeng niloloko ako ni Xander kasi may meeting sila.

Kaya napagdesisyunan ko na wag na lang pansinin ang mga narinig ko at bumalik na papasok sa miotal. Kaso feeling ko naliligaw ako, bat kasi hindi ko napansin na nakalabas na ako sa boundaries ng Miotal.

Alam ko kung saan nanggaling ang sitsit na yun kasi yun yung isa sa mga training ko.

Napansin ko na lang na may mga structures akong nakikita akala ko sa Miotal na pero hindi puro may lumot ang mga dingding at higit sa lahat sira sira na ang mga ito.

Lumapit ako sa may parang malaking bato na parang TV. Pinunasan ko yung ibabaw nun tas may symbolo akong nakita, teka nabasa ko na to since ang dami kong librong nabasa ay hindi ko na maalala ang title ng libro na yun.

May apat na symbolo ang nakaukit sa surface ng bato.

May apat na symbolo ang nakaukit sa surface ng bato

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Hora: Discovering (BxB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon