CHAPTER 01

463 19 9
                                    

CHAPTER 01: IN THE KITCHEN SCENE

GIANNA'S POV

"Opo, ma. Nandito na po ako. Maya-maya ay mag-aayos na ho ako ng mga gamit ko." Pagkausap ko sa kabilang linya kay mama.

"Sige anak at magpahinga ka narin pagkatapos. Kailan ba ang pasukan diyan?" Tanong pa ni mama sa akin.

"Hindi ko pa po alam. Pupunta pa lang po ako bukas sa skuwelahang e-enrolan ko. Oh sige na mama, mag-aayos pa po ako dito sa apartment. Tatawagan na lang po ulit kita." Paalam ko na.

"Sige at basta anak 'yong lagi kong paalala saiyo. Mag-iingat ka diyan. Mag aral kang mabuti. Huwag mong sayangin ang scholarship na binigay nila. I love you, anak."

"Pakisabi kay Julia mag-iingat din siya. Baka maghahanap po pala ako ng trabaho ngayong bakasyon pa. Papadalhan ko na lang po kayo kung sakali." Saad ko. Nagpaalam na siya at pinatay na ang tawag.

Ako si Maria Gianna Aemyr Aquino. Sa tatlong pangalan ko na iyan ay Gianna ang kadalasang tinatawag nila sa akin. Labing siyam na taong gulang at kapatid ko si Julia Marina Amir at nanay ko si Trinidad.

Ang haba ng mga pangalan namin ng kapatid ko, ewan ko ba doon sa trip ni mama. Literal na nahirapan kaming isulat ang pangalan namin noong mga bata kami.

Taga probinsiya ako at lumuwas ako dito sa lungsod para mag-aral ng kolehiyo. Makikipagsapalaran in the name of college diploma.

Nasa nirerentahang apartment na ako at kadarating ko lang. Kailangan ko munang mag-ayos ng mga gamit ko dahil gabi narin at nang makakain at makatulog narin dahil sa nakakapagod na byahe.

Matapos mag-ayos ay sumalampak na agad ako sa higaan at pumikit. Bigla ay pumasok sa isip ko ang isang alala.

Alaala ng lungsod na ito kung saan namatay ang papa ko. Nangyari iyon noong labing-isang taong gulang pa lang ako.

FLASHBACK

Naglalakad ako sa isang parke ng may makita akong isang litrato na nasa damuhan. Pinulot ko agad iyon at nakita ang isang litrato ng isang bata na mas maaliwalas pa ang ngiti kaysa sa araw.

Matagal ko iyong tinitigan ng tawagin na ako ng papa ko. "Gianna, tara na. Nandiyan na ang bus. Halika na!" Sigaw nito.

Agad kong ibinulsa ang napulot na litrato saka tumakbo na palapit kay papa. "Uwi na po tayo, pa. Hinihintay na tayo ni mama tyaka ni Julia." Nakangiting sabi ko.

Nginitian ako ng papa ko.

Nasa kalagitnaan kami ng biyahe nang yakapin ako bigla ni papa. "Anak, mag-aaral kang mabuti ha dahil darating ang panahon na 'yan lang ang pamanang maibibigay namin saiyo at lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni papa. Mahal na mahal ko kayo."

Niyakap ko rin siya pabalik. "I love you din po, papa."

Habang bumabiyahe ay naramdaman lahat ng mga pasahero ang paggewang-gewang ng sinasakyang bus.

"Kuya, dahan dahan po!"

"Huwag pong mabilis, kuya. May mga bata!"

Sigaw ng ilang pasahero ngunit hindi iyon sapat para patahanin ang drayber. Mabilis parin ang pagpatakbo nito.

Bigla ay naramdaman kong niyakap ako ni papa ng mahigpit. Napasigaw ang lahat ng um-overtake ang sinasakyan namin at saktong may isang truck rin ang sumabay sa pag-oovertake. Malakas na nagkabanggaan ang truck at ang bus namin dahilan para dumiretso ito sa kakahuyan.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon