CHAPTER 07

172 10 4
                                    

CHAPTER 07: LIKING HER

GIANNA'S POV

Pagkauwi sa apartment ay gaya ng dati, nandoon na naman sa gate si Xyrus at hinihintay akong umuwi.

"Hindi ka tumawag." Nakita ko siyang napanguso at bahagya pa akong inirapan.

Nagkamot ako ng batok. "Nakalimutan ko."

Nakakainis kasi si sir Wilson na 'yon. Kung ano-ano ang sinasabi niya kaya iyon tuloy ang laman ng isip ko habang pauwi ako. Hindi ko tuloy natawagan tong lalaking 'to.

Masamang tingin ang pinukaw niya sa akin.

Bigla ay may naalala ako na ginawa niya kaya dali-dali ko siyang kinurot sa tagiliran.

"Ouch! Para saan 'yon?" Kunot noo niyang tanong saka ininda ang kurot ko.

"Anong babe ang pinagsasabi mo kanina." Kunwaring inis sa boses ko ngunit may kumawalang ngiti rin.

Bigla ay ngumiti na rin siya. "Ayaw mo ng babe? Ano gusto mo, baby–" Isang kurot ulit ang natanggap niya. "Aray!" Ungot niya. Nakita kong bigla na naman siyang nagkunot ng noo. "Hindi mo na ako nireplayan kanina. Busy na busy ka ba talaga na kahit isang text hindi mo na magawa?" Maktol niya na parang bata.

Umiiling akong natatawa. "Nagta-trabaho ako, Xyrus. Huwag kang demanding na ri-replayan kita, napagalitan pa nga ako dahil sa mga text mo–"

"Ha, bakit?"

"Nahuli siguro nila akong nagte-text habang oras ng trabaho." Sarcastic kong sabi.

"Sorry–"

Mabilis ko siyang hinila sa pulsuhan at nagtungo kami sa nakabukas pa na karinderya malapit sa tindahan ni aling Dina.

"Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.

Umiling siya. "Hinihintay kita."

Inirapan ko siya at umorder na ng makakain namin.


"Xy, hindi ka makakapaniwala sa sasabihin ko." Sabi ko sa gitna ng pagkain namin.

Nag-angat naman siya ng tingin. "Ano?"

Uminom muna ako ng tubig at sumandal sa sandalan ng upuan bago nagsalita. "Iyong pinagta-trabahuan ko ay bahay ng may-ari ng school na papasukan ko."

Nanlaki agad ang mata niya dahil sa sinabi ko. "Ano!? Bakit hindi mo sinabi sa akin agad? Edi nakikita mo ba doon si Callie?" Mga tanong niyang kinairap ko.

Naalala ko na naman siya at ang puri niyang may ibang dating sakin.

"Actually, kanina lang kami nagkatagpuan doon. Nakakainis nga yon e." Sabi ko at pinagpatuloy muli ang pagkain.

Nasulyapan ko siyang nagkuyom ng kamao. "Bakit, anong ginawa niya?"

Inayos ko ang eyeglass ko at tinignan siya. "Titig na titig ba naman sa akin habang kumakain kami." Sumbong ko na parang bata.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon