CHAPTER 21

119 5 3
                                    

CHAPTER 21: THE REUNION

WILSON'S POV

Alas kwatro nang dumating sina tito Aldwin at tita Allen kasama ang nag-iisang anak nilang si Armie na dali-daling tinahak kung nasaan si Amara para yakapin.

"Nasaan na 'yong totoy na si Wilson? Nasaan?" Biro ni tito habang kunwaring hinahanap ako.

"Tito!" Ani ko sabay mano, ganon rin kay tita.

"Hahaha. Ikakasal ka na ba?" Biro ni tito na siyang narinig naman ni mama.

"Kuya, masamang biro iyan!" Bulyaw nito.

Umiling si tito na natatawa. "'Yang nanay mo, masyadong seryoso sa buhay." Bulong niya sa akin at sabay kaming natawa. "Patungong New York ata sina papa at tita. Ewan sa dalawang matandang iyon, puro bulakbol." Ani muli ni tito nang nasa sala na kami at nagku-kwentuhan.

Pasimple siyang kinurot ni tita. "Tumahimik ka nga."

"E-enjoy-in na nila habang maaga pa syempre." Sabat ni papa ng makapasok galing hardin dahil nagpahanda siya doon ng mga lamesa para sa maliit na reunion nila mamaya.

"Bayaw!" Ani papa kay tito.

Nagkabatian silang lahat doon.

Hindi pa rin ako pinapansin ni mama hanggang ngayon, kung makaiwas siya ay akala mo may malubha akong sakit na mahahawa siya.

Habang okupado ang mga matatanda sa kwentuhan ay nagbukas muna ako ng facebook ng wala sa sarili.

Nag-scroll-scroll ako sa news feed ko ng madaanan ko ang post ni Mike Lopez at nagulat ako sa nakita. Inulit-ulit ko pa iyong pinagmasdan. It was him and Gianna with it's annoying caption.

Nawalan na lang ako ng mood.










AUTHOR'S POV

Alas singko nang naunang dumating ang pamilya ni Alexander at Haille kasama si Lex at ang kambal nilang anak na babae na sina Gabriella at Stella.

Si Kit ang unang bumati sa pamilya. Kasunod nito ay ang tilian ng mag-bestfriend na sina Haille at Zeena.

"Wah, ang bff ko! Habang tumatanda, lalong gumaganda." Ani Haille na aligagang niyayakap ang kaibigan.

"Sinong nagsabing tumatanda ako? No, Haille, I'm getting younger as what I think." Si Zeena. "Nasaan ang kambal mo? Ilang taon na ulit sila?"

"They're six at ayaw nilang nalalayo sila sa papa nila. Look, halos hindi na makalakad ang asawa ko sa pagkakahawak nila sa tig-isang binti niya."

Parehong natawa ang dalawa.

Sa kabilang banda naman ay tinutukso ni Kit ang kaibigang si Alex.

"Mana sa mama nila ang itsura pero sayo nagmana ang ugali, halatang mga suplada." Ani Kit at tinuro ang kambal.

Lumuhod naman si Alexander para kausapin ang mga bata. "That's tito Kit, remember 'yong kinu-kwento kong monster? Siya iyon, say hi to him." Ani Alexander sa kambal.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon