CHAPTER 27

136 6 3
                                    

CHAPTER 27: HEARTS AND FLOWERS

GIANNA'S POV

Hindi ko alam kung bakit iniiwasan kong magtagpo ang presensya namin ni Wilson, knowing na siya ang engineer malapit sa shop namin.

Bakit ko nga ba siya iniiwasan? Of course para hindi kami magkita at para hindi niya ako makita. Pero bakit naman niya ako kikitain? Nandito siya for his work, hindi para sa akin. Ano ba naman ako, diba? Ako lang naman iyong babaeng pinandidirian siya eight years ago.

"Argh! You're ruining my system, Wilson!" Saad ko bago bumangon.

Wala sa sarili akong napatingin kay Smurfette na nasa side table ko. Si Smurfette iyong bigay niya sa akin noon.

Natawa na lang ako ng maalalang pinagkasya ko talaga siya noon sa maleta ko nang umuwi na ako dito.

Imagine, I hated a person like him but the things he gave me ay itinago at pinaka-ingatan ko.

Weird, gano'n na ba talaga ako kabaliw sa kaniya non?

Hindi rin mawala sa akin ang maghinayang ng sobra. Siguro kung mayroon man akong pinagsisisihan sa tanang ng buhay ko ay iyong hindi ko sinabi o inamin sa kaniya ang nararamdaman ko. Na may isang babaeng katulad ko na nagkakagusto sa kaniya, kung sabagay ay sino ba naman ako noon sa mga babae niya. Isa lang akong di hamak na tagasunod niya para sa trabaho.

Bahagya akong tumukod sa kama at inabot si Smurfette.

"Nandito ang amo mo, Smurfette. Nandito siya." Pagkausap ko sa kanya na aakalain mo'y timang.

Linggo ngayon kaya hindi open ang shop at rest day ko rin. Bumangon na ako ng tuluyan saka lumabas na ng kuwarto. Doon ko naabutan si Julia sa labas ng bahay kausap ang boyfriend niyang si Nikko.

"Ang daming turista, ate." Turo niya sa mga sasakyan na nakaparada sa gilid ng bahay kung nasaan ang bakanteng lote na pwedeng parking-an ng mga sasakyan ng bibisita sa farm.

Ika-pitong araw na kasi ngayon simula ng binuksan ko ang flower farm namin para gawing pasyalan. Isang linggo pa lang pero dagsaan na at ang laki na rin ng kita simula nang nabuksan ito.

Tumango ako sa kapatid ko at nginitian ko naman ang boyfriend niya saka ako nagtungo sa kusina para kumain ng agahan.








WILSON'S POV

Nasa isang restaurant ako sa tapat lang din motel na nirerenovate namin kasama ang pamilya ni mr. Mariano. Si Melani, na asawa niya at si Micaela na unica hija nila.

"Day off mo ngayon, engineer. Anong plano mo?" Anang mr. Mariano.

Linggo na nga pala ngayon. Isang linggo na ako dito at may nasimulan na kami sa renovation. Mr. Mariano approved one of the design I made. The workers already started it.

Nagpunas ako ng bibig bago sumagot. "I don't know. Maybe visit a..." wala akong maisip na maaaring puntahan. Hindi naman ako beach lover or whatsoever lover, smurf is exempted.

Napalingon ako sa kabuuan ng restaurant na ito at napansin ko ang magagandang bulaklak na disenyo dito. I also noticed that there is a flower farm near the motel.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon