CHAPTER 23

118 6 3
                                    

CHAPTER 23: NOT FOR HER

XYRUS' POV

Papasok na ako kinaumagahan ng madaanan ko si Gianna sa kuwarto niya. Gising na siya ngunit nakatitig lang sa kawalan.

"Papasok na ako, Gi. Okay ka lang bang mag-isa dito?"

Wala sa sariling tumango siya.

"May ipapasa kasi kami ngayon. Sorry at hindi kita mababantayan."

"Okay lang." Maliit pa ring boses niya.

Nilapitan ko siya. Bigla ay nasulyapan niya ang kamao kong may mga sungat dahil sa nangyari kagabi. Iniwas niya ang tingin roon.

"Sige, alis na ako." Sagot ko at tinapik siya sa balikat.

Palabas na ako nang nasa pinto niya rin si Yam na may pakikiramay ring ekspresyon.

"Gianna." Anito at dali-daling lumapit. "You sure okay ka lang dito?"

Tumango lang talaga siya.

Then we left her. Little did we know, yon na pala ang huling kita namin sa kaniya.


GIANNA'S POV

Hindi na ako nagsayang ng oras pagkaalis ng mag-pinsan. Naligo na ako at kinuha ang mga inimpakeng damit kagabi. Uuwi na ako sa amin.

Nagpaalam ako kay Aling Dina at nagulat siya sa biglaan kong pag-alis. Binayaran ko pa ang ilang araw na tumira ako doon.

"Biglaan naman ata?" Tanong nito. "Paano na ang pag-aaral mo niyan?"

Simple lang akong tumango. "Sa probinsiya ko na lang po siguro itutuloy." Saad ko na siyang kinatango naman niya.

Tuluyan na akong nagpaalam at tinapunan ko pa ng huling tingin ang apartment bago ako umalis doong naluluha.

Bago ako makasakay sa terminal ng bus ay nagpasya muna akong magtaxi para magtungo kila madam Zeena.

Magpapaalam ako dahil napakabuti niya sa akin. Nanghihinayang ako sa scholarship na binigay ng asawa niya ngunit kung ang sukli ng pananatili ko dito ay pangbabastos at trauma, na kailanman ay hindi pa nangyayari sa tanang ng buhay ko. Uuwi na lang ako sa amin.

Si manang Celia muli ang nagpapasok sa akin at tinungo namin ang opisina ni madam. Tinanong pa ako ni manang Celia kung okay ba ako dahil namamaga ang mga mata ko, maliit na ngiti lang ang sinukli ko. Pati ang maleta ko ay pinansin pa niya.

"Oh Gianna, bakit naparito ka at hindi ka pumasok ng skwela? May maitutulong ba ako?" Nagbaba siya ng tingin sa maleta ko at sa nakasabit na bag sa balikat ko. "Saan ka pupunta?"

Mabilis na tumulo ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan.

"Madam, nandito po ako para magpasamalat po sa lahat-lahat ng naitulong mo sa akin." Ngumiti siya at tumango-tango. "Salamat po, madam Zeena."

"Walang anuman." Nalilitong sabi niya. "Anong mayroon sa mga bag at maleta mo, Gianna?"

Ngumiti ako. "Uuwi na po ako sa amin, madam. Nandito po ako para ipahatid rin sana kay sir Kit na aalis na po ako sa paaralan at ito nga po, magpapasalamat sa scholarship na in-offer ng school sa akin." Nagpunas ako ng luha. "Sa probinsya ko na lang po ipagpapatuloy ang pag-aaral ko."

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon