CHAPTER 12

141 7 4
                                    

CHAPTER 12: TAKE YOU HOME

GIANNA'S POV

Hapon na at katatapos na ng huling subject ko. Nauna na akong bumaba sa building namin para doon ko na lang hinhintayon si Yam sa gate. Ang tagal nilang madismiss dahil may sinasabi pa ang prof nila sa kanila.

Nakita ko na ring naglalabasan ang ilang mga studyante. Nakita ko sa mga uniporme nila na mga engineering students sila kaya naisip kong baka palabas na rin si Xyrus.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan siya. Sinagot naman niya iyon agad. "Xyrus, nandito na ako sa gate." Pambungad ko.

"Okay, pababa na ako." Sabi nito at pinatay agad ang tawag.

Ilang minuto lang akong nakatayo doon ng makita ko na siyang palapit sa gawi ko.

"Oh, nasaan si Yam?" Tanong nito sa akin.

"Ang tagal mag-dismiss nong last prof niya. Sinabi kong hintayin na lang natin siya dito." Sabi ko sa kaniya saka inabot ang panyong pinahiram niya sa akin kanina.

Kinuotan niya ako ng noo dahil sa nilalahad ko sa kaniya. "Bakit 'yan?"

"Anong bakit e panyo mo yan."

"Sayo na." Sabi niya at tinapik pa ako sa pisngi.

Nag-usap kami doon para malibang ang mga sarili sa paghihintay kay Yam nang may masulyapan akong kumpulan ng mga babae na palabas ng gate. Mga limang babae 'yon at si sir Wilson ang kinukumpulan nila–teka? Si sir Wilson?

"Abs." Tawag ko kay Xyrus saka nginuso ang bandang parte nila Wilson. Sinulyapan niya lang iyon at seryosong mukha ang binaling sa akin.

"Ano naman?" Nagdikit ang kilay niyang tinitigan ako. "Edi makisali ka din doon sa mga babae kung gusto mo." Parang galit niyang sabi.

Dali-dali ko siyang kinurot sa tagiliran na siya namang ininda niya ang sakit. "Anong pinagsasabi mo, tinuturo ko lang naman ah."

"Bakit mo tinuturo? Interesado ka don?"

"Hindi ah."

"Oh, ang defensive mo naman ata." Sabi niya at tinalikuran ako.

Napabaling ulit ako ng tingin kila sir Wilson. In fairness at ang gaganda ng mga babaeng nakapalibot sa kaniya. Yong level of beauty nila ay parang ring finger at pinky finger ko. Syempre level ko yong pinky.

Hindi ko napigilang bahagyang sulyapan ang sarili ko saka ko ibabalik ang tingin sa mga babaeng 'yon. Natawa ako sa napansin. Walang walang ako kalingkingan at ganda nila. Bahagya kong iniling ang ulo sa naisip.

Nakita ko pang malawak ang ngiti ni sir Wilson habang kinakausap sila. Naka-akbay ang isa niyang braso sa balikat ng isang babae at todo palo naman ang iba sa braso niya habang nagtatawanan sila.

Bigla bigla ay may nagtanggal ng eyeglass ko. "Huwag mo nga sabi siyang tignan." Rinig kong boses ni Xyrus. Malabo man siya at ang paligid ko ay hinarap ko pa rin siya.

"Hoy abs, ibalik mo nga 'yan. Wala akong makita." Sabi ko at nagkapa-kapa sa hangin. "Akin na sabi e."

"Ano ba kasing kinakatitig mo do'n?" Irita niyang sabi at naramdaman kong inakbayan niya ako bigla.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon