CHAPTER 02

251 14 3
                                    

CHAPTER 02: THE ENROLMENT

GIANNA'S POV

"Nasaan na ba ang babaeng 'yon?" Tanong sa akin ni Xyrus na iritado na dahil kanina pa kami naghihintay dito sa harap ng tindahan ni Aling Dina na hinihintay si Yam na bumaba.

"Saan punta niyo mga bata?" Binalingan ko si Aling Dina na nagtanong.

"Mag e-enroll po." Sagot ko.

"Saang paaralan? Doon ba sa Quintin University, ija?" Tumango ako dahil doon naman talaga kami mag e-enroll. "Nako, balita ko ay guwapo raw ang lalakeng humahawak ngayon ng paaralan na iyon. Pinamana na sa kaniya ng mga magulang niya ang paaralang pagmamay-ari nila." Paliwanag niya. Dahil wala naman akong kaalam-alam sa chismis na 'yan ay nginitian ko lang siya at plastic na napatawa.

"Hehehe, ayos po 'yon."

Narinig kong sininghalan ako ni Xyrus ng maramdaman ang kaplastikan ko.

Ilang minuto pa kaming naghintay doon ni Xyrus ng lumabas na rin si Yam sa wakas. "Sorry. Hinanap ko pa 'yong report card ko. Akala ko nawala na." Maktol niya ng nasa harap na namin siya.

Inirapan siya ng pinsan niya. "Sa susunod ayusin mo ng mas maaga mga gamit mo. Burara." Ani Xyrus at nauna ng maglakad. "Tara na."



———


Matapos naming makipagsiksikan sa jeep ay nakahinga kami ng maluwag. Kakaiba rin 'yong konduktor dahil siksikan na nga kami sa loob ay kasiya pa daw ng lima. Tapos ay kargang isda pa ang kasabay namin dahil ibebenta iyon sa palengke.

Hindi naman bago sa akin pakikipagsiksikan sa jeep dahil ganon din madalas sa probinsya. Ang pinagkaiba nga lang ay kapag talagag nasisikipan na ako ay lumilipat ako ng pwesto at doon na sa bungaran ng jeep uupo. Iba nga lang ngayon dahil nandito na ako at mukhang hindi iyon pwede.

"Xyrus, hindi mo naman sinabi na ganon ang pagdadaanan natin bago makapunta lang sa skwelahang 'to. Sana naglakad na lang tayo kaysa nakipagsiksikan doon sa jeep!" Reklamo ni Yam habang inaamoy-amoy ang sarili niya.

"Sino bang ang tagal ng galaw dito? Kung sana maaga tayo ay doon tayo sa jeep na ordinary nakasabay." Sagot ng lalaki.

Hindi na ako sumabat sa bangayan nila at nauna na akong sumilip sa gate ng paaralan na ito.

Napanganga ako sa nakita. Literal. Kung anong nakita ko sa flyer na binigay sa akin ay ganon na ganon ang nakikita ko ngayon. Bukod sa malinis na paligid ng skwelahan ay ang mga nagtataasang mga building ang mas makakamangha.

Natapos ang nganga ko ng tapikin ako ni Xyrus sa panga. "Tara na."

Nauna siyang naglakad papasok at mas lalo akong namangha ng makapasok na ng tuluyan sa loob.

"Nahati itong school. Sa kaliwang parte ang elementarya. Dito sa kinaroroonan naman natin ay sa highschool–"

"Bakit nandito tayo? College kami, Xy!" Sabat ni Yam na nakakunot ang noo. Agad siyang pinektusan ng pinsan dahil hindi pa ito natatapos sa paliwanag.

"Manahimik ka nga, Yam." Naglakad siya sa isang mahabang hallway pa kanan kaya nalilito kaming sumunod ni Yam. Mas lalo akong napanganga sa bumungad sa amin.

Ang mga naglalakihan at nagtataasang mga building ay sobrang nakakamangha. Hindi ako makapaniwalang dito ako mag-aaral. Nasa tamang desisyon na ata ako.

"Under construction pa ang gate ng college kaya doon tayo pumasok. Ano, ayos na?" Sarcastic na tanong ni Xy kay Yam na nakanganga rin kagaya ko.

"Ang ganda dito." Wala sa sarili niyang sabi.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon