CHAPTER 26

132 6 3
                                    

CHAPTER 26: HIS NAME

GIANNA'S POV

Hindi ko mapigilang hindi marinig ang pinag-uusapan ng isang tauhan ko at ang sekretarya ng may-ari ng motel malapit rito sa flower shop namin.

"Renovation kasi ng Mica motel. Darating ngayon iyong engineer galing Manila. Balita ko nga ay gwapo raw 'yon." Pagku-kwento niya sa tauhan ko. "Kaibigan siya ni engineer Ricky Corpuz, iyong tagarito na engineer na ngayon na nakipagsapalaran sa Manila."

"Oo, kilala ko iyong si engr. Corpuz." Sagot naman ng tauhan ko sa kaniya.

"Iyon na nga, dahil nasa honeymoon daw siya ay iyong kaibigan niya ang inasa niya dito." Pagtutuloy ng sekretarya.

Nang matapos sila ay napatingin sa gawi ko ang sekretarya. "Hello, ms. Aquino. Magpapagawa ako ng kwintas na bulaklak, pang welcome sa bisita namin mamaya." Magiliw niyang sabi.

Tumango ako. "Hihintayin mo ba o kukunin mo mamaya? Madali lang namang gawin 'yon."

"I'll wait na lang, ms. Aquino."

Pagkasabi niya no'n ay tinawag ko ang tauhan na gagawa no'n. Trenta minutos ay natapos na iyon.

"Wow, ang ganda!" Puri ng sekretarya at nagbayad na siya bago umalis.

Bigla ay may naalala ako habang nakatunganga sa counter.

Engineer na rin ba kaya siya ngayon? I mean sina Xyrus at Wilson. It's been eight years at sigurado akong naabot na nila ang propesyon na iyon. Sila pa ba. I'm happy for them. Naalala ko rin si Yam, businesswoman na rin 'yon panigurado.

Bigla kong na-miss ang mga pinagsamahan namin kahit paano.

Kahit trauma, pandidiri at puro makamundong gawain ang pinakita at pinaramdam sa akin ng syudad, kahit paano ay may nakilala pa din akong mga mabubuting tao roon. Sina madam Zeena at ang mga naging kaibigan ko.

Kung hindi ko ba narinig o natagpuan na gano'n ang gawain niya ay magtatagal ako sa syudad? Hindi bukas ang isip ko sa mga gano'ng gawain kaya natural na pandirian ko ang gano'n.

Natapos ang pagmuni-muni ay napabaling ako sa pumasok na isang customer.

Alas tres ng magring ang phone ko sa biglang pagtawag ni Julia.

"Ate!" Bungad niya na may kaunting takot sa boses. "Narito sa ospital si mama, itinakbo ng mga tauhan dahil bigla siyang natumba sa farm. Pumunta ka dito!"

Bigla akong nakaramdam ng takot at pagka-aligaga. "Sige, sige. Papunta na ako."

Nagpaalam ako sa mga tauhan ko at dali-daling sumakay ng kotse sa kaba. Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan papuntang ospital.








WILSON'S POV

Malapit na ako sa mismong address ng motel ng medyo napahinto ako sa bandang crossing sa highway.

Nakabukas ang bintana ng sasakyan ko kaya nararamdaman ko ang preskong hangin ng probinsiya.

Nagulat ako ng paandar na sana ako ay biglang may humarurot na sasakyan galing sa direksyon na tutunguhin ko. Bukas ang bintana ng sasakyang iyon at napansin ko ang pamilyar na mukha ng driver. Babae.

Napapikit-pikit ako at napatunganga ng maaninag ang mukha ng babae.

"You're just imagining things, Wilson. Stop it." Pagkausap ko sa sarili. "You can't find her here."

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon