CHAPTER 06

159 11 3
                                    

CHAPTER 06: HIS COMPLIMENT

GIANNA'S POV

Ika-apat na linggo na ngayong nagta-trabaho ako kina madam Zeena.

Sa mga lumipas na araw ay walang pinagbago ang trato sa akin ni Xyrus. Ang bait niya sa akin at maalaga. Sa tuwing linggo nga na wala akong trabaho ay halos buong araw kaming magkakasama.

Ang dami niyang tanong sa buhay at madalas ko na rin siyang nakikitang ngumingiti. Si Yam naman na parang hindi na nag e-exist dito sa mundo. Laging nakakulong sa kwarto niya at lalabas lang kapag kakain.

"Hihintayin kita mamayang pag-uwi mo ha." Binalingan ko si Xyrus na nagsalita sa tabi ko. Hinatid niya ako dito sa main road kung saan ako sasakay.

Tumango lang ako.

"Akin na cellphone mo." Lahad niya ng kamay niya. Kinuotan ko siya ng noo.

"Hmm, bakit?"

"Basta akin na." Binigay ko naman na sa kaniya iyon.

Nagpipindot-pindot siya doon bago niya iyon ibinalik sa akin. "Tawagan mo ako kapag pauwi ka na." Sabi nito at tinapik na ang ulo ko. Sakto namang may parating ng jeep.

———

"Good morning, manang Jeph." Bati ko sa isa sa mga kasamahan ko na kapapalit lang ng damit. Si manang Jeph ay tatlumpung taong gulang. Nginitian ko rin ang ilang kasama ko na roon na nagpapalit din.

"Mukhang maganda ang araw natin ah." Nakangiting bungad ni manang Weng. "Ay oo nga pala Gianna, nakauwi na iyong asawa ni madam Zeena kaya kapag daw maglinis ka ng hallway sa taas ay huwag kang masyadong maingay. Pagod siya. Baka maistorbo mo at lalo na 'yong anak nilang babae." Paliwanag nito.

Kaya pala dalawang kotse na iyong nakaparada sa garahe kanina. "Hmm, sige po." Sagot ko.

Nauna na silang lumabas dala ang mga gamit nilang panglinis. Nagpalit na rin ako at walang sinayang na minuto.

Lahat ng mga kasama ko dito ay halos nasa edad dalawampu hanggang tatlumpu maliban kay manang Celia. Ako lang ang pinakabata.

Lahat sila ay mababait sa akin. Anila'y napakapurisgido ko raw na bata na tumatayo sa sariling mga paa. Well, para naman talaga ito sa pag-aaral ko kaya dapat lang akong magpursige.

Natapos ko ng walisan ang bakuran sa harap at nadiligan na rin ang mga halaman. Natanggal ko na rin ang mga dahon na kumalat sa mini fountain na smurf.

Hila-hila ko ang hose papuntang likod bahay para diligan ang mga halaman doon nang may nakita akong lalaki na nasa isang cottage at nakatopless siyang nakatalikod sa banda ko.

Winalang bahala ko na lang iyon dahil nga hindi naman ako na a-attract sa mga matitipunong katawan.

Nasa kalagitnaan ako ng pagdidilig ng mga halaman ng may marinig akong tunog ng pagdive sa pool. Hindi ko iyon pinansin maski nilingon at pinagpatuloy ang gawain.

Pinagpapawisan na ako at nararamdaman kong sumasakit na naman ang mga tuhod ko nang biglang nagvibrate ang cellphone ko na nasa bulsa.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon