CHAPTER 09

153 8 3
                                    

CHAPTER 09: RAINY NIGHT

GIANNA'S POV

"Manang Celia, mauna na po ako." Paalam ko kay Nanang Celia na kakalabas lang sa cr dito sa maids quarter.

"Oh sige at mag-ingat ka." Sabi nito at inayos ang damit. "Masama ang panahon, ija. Mukhang uulan." Paalala pa nito.

Tumango naman ako. "Bibilisan ko na lang po habang wala pang ulan."  Muli kong paalam saka lumabas na ng pinto.

Saktong alas otso ng tignan ko ang oras.

Kung hindi ako pinalinis ni madam Zeena ng opisina niya ay siguro'y maaga akong nakauwi ngayon, malawak at malaki ang opisina niya kaya nahirapan ako at natagalan.

Kasalukuyan na akong naghihintay ng masasakyan dito sa labas ng mansiyon. Kadalasan ay nati-tyempuhan ko 'yong mga sasakyan dito kahit gumagabi na kaya madali akong nakakauwi pero ngayon ay halatang walang ni isa ang dadaan.

Naririnig ko na ring kumukulog ang kalangitan kaya mas desidido akong maghintay.

Ilang minuto pa akong naghintay ng bumuhos na ng tuluyan ang malakas na ulan na siyang kinataranta ko. Dali-dali akong tumakbo sa isang puno para makasilong kahit paano ngunit hindi 'yon gaanong sapat para hindi ako mabasa.

Walang dumaan na sasakyan. Basang basa na rin ako at medyo nilalamig na rin.

Niyayakap ko ang sarili habang pinupunasan ang eyeglass dahil sa tubig ulan na humaharang sa paningin ko.

Tuloy ay napapadasal na lang ako na kahit isang taxi lang ang dumaan.

Nagco-cross finger ako nang maya-maya ay naramdaman kong biglang nawala ang mga patak ng ulan sa katawan ko. Napa-angat ako ng tingin para kitain kung anong nangyari at naabutan ko doon si sir Wilson na pinapayungan ako.

"I thought you already left." Saad nito at hinila ako sa pulsuhan papasok sa loob ng mansiyon.

"Aray ko, teka sir! Uuwi na po ako. Naghihintay na lang po ako ng masasakyan." Sambit ko pero hindi na siya sumagot at patuloy akong hinila. Napansin kong nababasa na siya dahil ako ang pinapayungan niya.

Tuloy-tuloy ang pangangaladkad niya sa akin hanggang sa makapasok kami sa pangalawang palapag ng mansiyon ng wala man lang nakakita sa amin. Pumasok kami sa isang kuwarto na sa pagkakaalam ko ay isa sa mga guestroom.

Pinagmasdan ko siya habang kumukuha ng mga damit sa isang kabinet. Yakap yakap ko pa din ang sarili.

"Take a shower." Utos nito at nilahad ang damit sa akin.

Nakataas ang kilay kong sumagot. "Uuwi na po ako–"

"Maligo ka at ihahatid kita. Wala ka ng mahihintay na sasakyan doon." Sabi niya sa seryoso na boses at sininghalan pa ako. "Tss."

Nahihiyang inabot ko ang damit na nilalahad niya at mabagal na nagtungo sa banyo para magbanlaw. Nakaramdam ako ng hiya ng makitang may underwear ng kasama ang damit na binigay niya.

Ilang minuto lang akong nasa loob ng banyo at lumabas rin. Puting plain t-shirt na mahaba at maikling short ang suot ko. Kung tutuusin ay hindi na halata ang pang ibaba kong saplot dahil sa haba ng damit.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon