CHAPTER 03

203 16 3
                                    

CHAPTER 03: THE JOB HUNT

GIANNA'S POV

"Maaga ka yata. Saan punta mo?" Binalingan ko si Xyrus na nasa kusina ng palapag namin habang nagkakape nang makalabas ako sa kuwarto ko at nagtanong siya.

Nagkamot ako ng batok at inayos ang eyeglass ko. "Maghahanap sana muna ako ng trabaho. Isang buwan pa naman bago pasukan diba, pantustos na rin 'yong sweldo ko kung sakali sa mga projects." Sagot ko. "Saan ba dito ang palengke?" Dagdag ko pang tanong.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Sure kang mata-trabaho ka? Wala kang sakit na iniinda na sasagabal sa magiging trabaho mo?" Taas kilay niyang tanong.

"Wala naman. Malakas ang katawan ko, mahina nga lang paningin." Ngumiti ako sabay pabirong tinaas-taas ang kilay.

"Tsh." Sininghalan niya ako bago siya sumagot. Ilang araw ko pa lang nakakasama ng magpinsan ay nakukuha ko na ang estilo nila sa pananalita. Si Yam na madaldal at pala-tanong samantala itong si Xyrus ay maliit ang kurdon na anumang oras ay sisinghalan ka nyan pero approachable naman kahit papano. Hindi ka maiinis sa ugali niyang pagiging suplado, kadalasan naman kasi ay sinasagad na siya ni Yam sa mga bagay-bagay. "Sakay ka sa jeep sa main road. Diretso 'yon papuntang palengke." Sumimsim pa siya ng kape. "Sigurado ka talaga?" Paninigurado niya.

"Oo nga." Inayos ko na ang sarili ko. "Sige na."

Pababa na ako ng hagdan nang may pahabol pa siyang sinabi.

"Anong gusto mong ulam mamayang gabi?"

Kinunutan ko siya ng noo ng sulyapan. "Huwag ka ng mang-abala. Bibili na lang ako sa labas siguro. Ako ng bahala sa sarili ko." Tinapik ko pa ang bandang dibdib ko saka bumaba na ng tuluyan.

Isa pa iyon na napapansin ko sa kanya. Bagaman masungit at suplado siya ay maalaga rin lalo na kay Yam. He cares a lot especially when it comes to food.

Ayaw niyang nalilipasan ng gutom si Yam at minsan ay ganon rin siya sa akin. Lagi nga kaming magkakasabay tatlo sa bawat pagkain. Well except ngayon dahil may lakad ako.


———


Dahil hindi ko naman kabesa ang palengke na ito ay palakad-lakad lang ako hanggang sa mapadpad ako sa isang tindahan ng mga tsinelas.

Lumapit ako sa isang nagbebenta doon para magtanong. "Ale, magandang umaga po. Hiring ba kayo dito ng saleslady?"

Binalingan ako ng ale at umiling. "Nako ija. Huli ka na. Naka hire na kami ng limang bago kahapon." Sagit nito.

Napangiti na lang ako. "Ganon po ba. Sige, salamat po."

Paikot-ikot pa ako doon sa bentahan ng mga tsinelas ng walang talaga akong mahanap na hiring ng mga saleslady.

Napunta naman ako sa bentahang ng ukay-ukay. Lumapit ako sa isang matabang babae na sa pagkakaalam ko ay may-ari ng puwesto.

"Ah, mawalang galang po." Tawag ko sa atensiyon niya. Nagtaas naman siya ng tingin at taas kilay akong tinignan. Akala ko ay magsasalita siya pero hindi, kaya nagpatuloy ako. "Hiring po ba kayo dito ng saleslady–" pinutol niya ang sasabihin ko.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon