CHAPTER 11

157 6 2
                                    

CHAPTER 11: LUNCH WITH THE DOMINGOS

GIANNA'S POV

Lumipas ang huling linggo ko na nagtrabaho sa mansiyon nila madam Zeena at Sir Kit. Nakapagpaalam na ako noong sabado at binigay na rin nila ang huling suweldo ko. Nagpasalamat na rin ako sa kanila at sa pagtanggap sa akin sa mansiyon nila.

Sa mga nakalipas na araw na iyon ay lagi kaming nag-uusap ni sir Wilson ng mga walang kuwentang bagay. Kapag pahinga ng trabaho ko ay ayan na siya at lalapitan ako para makikipagkuwentuhan. Maayos naman ang trato niya sakin, taliwas sa sinabi ni Xyrus sa akin tungkol sa kaniya. Sir Wilson and Xyrus are almost the same.

Ang tungkol naman sa sikreto niya ay sikreto pa rin hanggang ngayon. Noong inuwi ko si Smurfette sa apartment at nakita iyon ni Xyrus ngunit hindi ko sinabi sa kaniya ang totoo. Nirason ko na lang na binigay 'yon ni madam Zeena sa akin dahil nakatambak lang iyon sa bodega nila. Naguilty tuloy ako sa pagsisinungaling ko pero kasi nangako ako kay sir Wilson.

Nakapagbayad na rin ako ng renta ngayon buwan kay aling Dina. 'Yong isang libo naman ay pinadala ko kila Mama para sa gagastusin ni Julia sa pasukan. Meron pa namang natira sa ipon ko na para sakin at sa pag-aaral ko.

"Alam niyo naman na 'yong building niyo, diba? Kita na lang tayo sa lunchbreak." Biglang ani Xyrus na seryoso ang mukhang binaling sa amin ni Yam.

Tumango na lang ako at kinalabit si Yam na nakangiti ng malawak. "Tara na, 8:30 ang unang klase natin. Baka ma-late tayo, unang araw pa naman." Binalingan naman niya ako ng tingin kalaunan.

"Tara." Siya na ang humila sa akin papunta sa College of Manangement.

———



Dalawang subject lang ang hindi kami magkaklase ni Yam. Sa pangalawang subject sa umaga at sa huling subject sa hapon.

"Gi, kita mo 'yong lalaki sa likod?" Biglang bulong sa akin ni Yam habang nagsasalita ang prof sa harap. Kinuotan ko siya ng noo at pasimpleng sinulyapan ang lalaking tinutukoy niya sa likod.

"Bakit siya?" Bulong ko ring sabi dahil baka marinig ako ng prof namin sa harap na nag di-discuss ng syllabus ng subject.

"Ang guwapo niya, Gi." Tagong kilig niya.

Napabuntong-hininga ako sa sinabi niya at nagpokus na lang sa pinapaliwanag ng guro sa harap. Akala ko naman kung ano.

Maghunting ata ng guwapo ang pinunta niya rito e, charot.




WILSON'S POV

Mama and papa texted me na pupunta sila dito sa school para bisitahin kung maayos ba ang daloy ng first day of school. Sinabi rin nila na dito na din sila manananghalian kasama kami ng kapatid ko.

Katatapos lang ng last period namin sa umaga at kasabay kong naglalakad pababa ng building ang isang babae ngayon na bigla bigla nalang lumalapit sa akin. Sino ba naman ako para atrasan ang isang babaeng sexy, hindi ba?

"Callie, sabay tayong mag lunch puwede?" I stare at this sexy lady rubbing her palm on my arms.

Akmang sasagot ako ng makita kong palapit sa gawi ko si Amara, ang napaka bossy kong kapatid na seryoso na naman ang ekspresyon ng mukha niya.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon