CHAPTER 15

123 6 3
                                    

CHAPTER 15: OPLAN STALKING

GIANNA'S POV

Naabutan ko si Xyrus at Yam sa kusina ng palapag namin pagkalabas ko sa kuwarto.

"Mauna na ako, ha." Simpleng sabi ko saka bumaba na nang hindi hinintay ang sagot nila. Hindi pa rin kami nagpapansinan ng lalakeng 'yon. Nakakainis na siya.

Excited ako ngayon ng sobra-sobra. Magkakapera ba naman ako sa napakadaling trabaho. Ano pang hahanapin ko diba? Easy money na 'to.

Bantay Wilson, here I come!

Maaga pa lang ay nasa school na ako. Dahil maaga pa ay napag-isipan ko na umupo muna sa isang bench malapit sa bukana ng gate.

Talagang maaga pa dahil konting-konti pa ang mga estudyante na pumapasok.

Maaga kaya si sir Wilson ngayon?






WILSON'S POV

Naabutan ko si mama, papa at Amara sa dining na sabay-sabay kumakain.

"Sa school na lang ako kakain. Mauna na po ako." 'Yon lang ang sinabi ko at umalis na roon ngunit bago ako nakaalis ng tuluyan ay nakita ko pa ang masungit na mukha ni mama.

Ayokong magtagal sa bahay dahil ayoko sa sermon nila.

Konting mga estudyante pa lang ang mga pumapasok ang naabutan ko. Sa bukana ng gate ay may napansin na agad akong babae na pasimpleng nakatakip ng libro sa mukha. Halatang may tinataguan o ano.

Natawa ako kasi pagkakita niya sa akin ay mabilisan niya muling hinarang ang libro sa mukha niya. Baliw.

Umiling-iling na lang ako at diretsong naglakad patungong building dahil nakita ko na lang rin siya ay ayos na ako. Biglang naalis sa utak ko ang inis na kanina ay dala ko habang papasok.

See how she change my mood.



———




Nairaos ko ang buong araw na klase, hectic man pero kinaya. Inayos ko muna ang mga gamit ko saka naisipang lumabas. Naabutan ko si Xyrus sa railings ng hallway na halatang nasa malayo ang tingin. Sinulyapan ko ang tinitignan niya at sa gate ang tanaw nito.

Iritado ang mukha niya na parang frustrated sa nakikita. Umalis na ako doon bago pa lumalim ang pagkakuryoso ko sa kaniya.

Nasa main ground na ako ng campus ng tawagin ako ng tropa. Sina Albie at Froi.

"Bar?" Akbay sa akin ni Froi na siya namang kinailingan ko.

Nagsimulang nagkuwento si Albie habang naglalakad kami.

"Fuck, dude. Grabe ang hangover ko kahapon. Until now mukhang mayroon pa. Grabe si Francine magpainom." Untag niya.

Albie is a HRM student while Froi is an infotech student.

"Nagalit si mama sa akin." Sapaw ko sa kuwentuhan.

Natatawa nila akong tinignan.

Domingo #2: Stalking Mr. PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon