Kabanata 4

8K 141 0
                                    

Hurt

HABANG paakyat ako sa staircase, nag aalinlangan ang mga paa ko kung pupuntahan ko ba talaga siya sa kwarto niya. Pinakausapan kasi ako ni Daddy na ako na daw ang tatawag kay Triton para kumain na. But what he said a while ago was still fresh in my mind. Nasasaktan ako sa mga sinabi niya. Sino bang hindi? Parang sinasabi narin niyang hindi niya ako gusto bilang kapatid.

Malakas na bumuntong hininga ako para magkaroon ng lakas na katukin ang kwarto nito. Pangatlong beses akong kumatok pero ilang sandali pa ay wala paring bumubukas nito. Kumatok ako ulit pero wala pa din. Kaya sinubukan kong pihitin ang doorknob, at napataas ang kilay ko ng hindi ito naka lock.

"Wala bang tao dito?" tanong ko sa sarili ko.

Tuluyan ko na ngang binuksan ang pinto at ang una kong napansin ay ang napakaganda niyang kwarto. Ang kwarto nito ay parehong pareho lang ng sa akin, ang pinagkaiba lang ay ang pinaghalong kulay na puti at itim nito, at syempre kapag lalake talaga maliliit lang ang mga kagamitan nito, hindi parehas ng mga babae na akala mo ay stockroom ang kwarto sa dami ng gamit.

"Fuck you Jhon!"

Napatalon ako sa gulat ng may biglang nagsalita, pinuntahan ko ang pinagmulan ng tunog at dinala ako ng mga paa ko sa terrace. Nakabukas ang mga ito kaya kitang kita ko mula dito ang nakatalikod ng pigura ni Triton, nakaupo ito at walang saplot pang itaas. Napalunok ako.

"Stop!" saway ko sa sarili ko.

Nakita ko naman ang cellphone niya sa itaas ng lamesa at naka konekta doon ang earphones niya. Kaya pala hindi niya ako narinig.

Pumikit muna ako bago maglakas loob na puntahan siya pero napatigil ako.

"Stop it Jhon! Gagawin ko ang lahat umalis lang dito ang mag inang yun, hindi ako papayag na magiging magkapatid kami. I swear to God makakagawa ako ng malaking kasalanan kapag mangyari man yun. Atsaka hindi pa naman sila kasal, makakagawa pa ako ng paraan para hindi sila makasal."

Shit!

Hindi ko namalayan na kanina pa pala bumubuhos ang mga luha ko. Nasasaktan ako, pero mas nasasaktan ako para kay Mommy. Paano nalang kung malaman niya na ang anak ng mapapangasawa niya ay gumagawa ng paraan para maghiwalay sila?

Bumigat ang nararamdaman ko. I love my Mom very much, and I hate to see her in pain again. Masaya ako ng makitang nagkaroon na naman ng halaga ang buhay ni Mommy ng makilala niya si Daddy Fernand, masaya akong sa wakas nakakangiti narin si Mommy, but what I've heard earlier made me think that sorrow again. The sorrow that I burried a long time ago when my Mom was very devastated with my Dad.

Gusto ko siyang puntahan at isigaw sakanya ang lahat ng hinanakit ko, pero hindi ko magawa. Natatakot ako sa pwede niyang sabihin sa akin. I'm a coward, natatakot ako na baka hindi ko makayanan ang sasabihin niya sa pagmumukha ko. At kung pupuntahan ko siya, ano na naman ang sasabihin ko? Na pipigilan ko siya sa plano niya? At paano ko ito pipigilan?

I wiped my tears. Dahan dahan akong umalis sa kwarto niya at pumunta sa kwarto ko. Humiga ako sa kama at doon ko nilabas ang kaninang pinipigilang hikbi ko. Madaming pumapasok sa isip ko ngayon, pero isa lang ang naisip kong sulosyon.

Kung hindi niya kami gusto ni Mommy ngayon baka sa susunod na araw magugustuhan niya din kami at hindi papaalisin? Ang gagawin ko lang ay patunayan sakanya na hindi na niya kailangan pang paalisin kami. Sisiguraduhin kong magbabago ang isip niya at magugustuhan niya din kami ni Mommy para sa Tatay niya.

"Tama Kreisha, dapat maging positibo ka." bulong ko sa sarili ko.

Tumayo na ako at naghilamos. Matapang kong binuksan ang kwarto niya para yayain sana siya sa hapag, na kanina pang utos sa akin ni Daddy pero hindi ko nagawa dahil sa narinig mula sakanya kanina.

"Trit--!"

Nanlaki ang mga mata ko sa nakita. Triton Rivera is now half naked infront of me! Wala siyang saplot sa itaas at tanging boxer niya lang ang natitira. Ibababa niya na sana ito kung hindi lang ako naging bobo na binuksan kaagad ang pintuan at hindi kumatok! Gosh Kreisha! How many times did you embarrassed yourself today?

"Omg sorry!" mabilis na saad ko bago tumalikod.

"Bakit hindi ka kumatok?" baritong tanong nito.

Kinurot ko ang mga palad ko. Bakit nga ba? Ang tapang mo kanina Kreisha, pero bakit ngayon tiklop ka?

"A-ah hindi ko sinasadya T-triton, sorry. K-kakain na kasi." nauutal na tugon ko.

"Next time learn how to knock first, It's not my fault anymore if you see me truly naked next time."

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Kaya dali dali akong nag sorry at umalis. Pagkatapos kung masirado napahawak naman ako sa dibdib ko sa lakas ng tibok nito.

"Kinabahan ako doon a." bulong ko sa sarili ko. Napailing naman ako at umalis na sa pagkakasandal ng pinto niya. Bumaba na ako at nadatnan ko sina Mommy at Daddy na naghihintay. Bumigat ulit ang nararamdaman ko ng makita sina Mommy at Daddy na masayang nag uusap. Ngumiti naman ako ng bumaling sa akin ang tingin nila.

"Ba't natagalan ka Kreisha?" tanong ni Mommy.

"A-ah nag Cr lang saglit ma." palusot ko.

Tumango naman ito. "Si Triton?"

"Bababa na siguro yun maya maya." sagot ko.

"Sige maupo ka muna iha at hihintayin muna natin si Triton sandali." saad ni Daddy.

"Sige Daddy."

Nginitian ko naman si Cali ng makitang nakaupo ito sa harap ko kagaya kanina. Tumango naman ito bilang tugon.

"Sorry natagalan!"

Nagkatagpo ang aming mga mata kaya ako ang unang umiwas. Nagsimula na kaming kumain, sa pagkain lang talaga ang tingin ko dahil pakiramdam ko kapag tataas ang tingin ko, magkakatagpo na naman ang aming mga mata. I don't know, I felt uncomfortable whenever our eyes meet. Siguro naalala ko lang ang mga masasakit niyang sinasabi kanina.

I sighed.

Pagkatapos naming kumain, dumiretso kaagad ako sa kwarto para magpahinga. Naghanda ako ng isusuot ko pantulog at naligo muna. Pagkalabas ko sa cr, nakatuwalya lang ako, nasa labas kasi ang mga damit ko. Pagtingin ko sa kama, napasigaw ako sa gulat.

"T-triton anong g-ginagawa mo dito!?" gulantang tanong ko. Mas hinigpitan ko pa ang kapit ng tuwalya ko sa katawan ng makitang pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

"May sasabihin lang." maikling sagot niya.

Nakaupo ito ngayon sa kama ko na nakadikwatro. Nakita ko din ang multong ngiti sa labi nito kaya napalunok ako.

"Bakit hindi ka kumatok?" medyo tumaas ng konti ang boses ko kaya napataas ang mga kilay nito.

"To make it fair Kreisha." sagot nito. I feel goosebumps when I heard my name coming from his mouth.

"T-teka lang magbibihis muna a-ako saglit!" dahil alam kong kasalanan ko naman kanina kung bakit ngayon gusto niyang makaganti, kinuha ko nalang ang mga susuotin ko sa kama at dali daling pumunta sa cr.

Pagkalabas ko pinasadahan niya ulit ako ng tingin. Na conscious tuloy ako sa kinatatayuan ko ngayon. Nakasuot kasi ako ng magkaparehong disenyo na pajama. Pink at may hello kitty pang disenyo. I love hello kitty, kahit pa sabihin ni Mommy at James na pambata daw ito. Walang makakapagbuwag sa amin ni Hello Kitty.

"Nice pajama's." komento nito na nagpapapula sa mukha ko.

"A-ano palang sasabihin mo?" tanong ko.

"Sabi ni Daddy, yayain kitang mamasyal kung hindi ka pa pagod....pero mukhang pagod ka na at handa ka ng matulog so I'll go by myself." aalis na sana ito ng pigilan ko ito.

"Wait!" I sighed. "I'll go."

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon