Kabanata 21

3.6K 92 29
                                    

Forbidden

Pagkatapos kong mahimasmasan, tinawag ni Triton ang Doctor para turukan na naman ko ng papakalma.

Habang ginagawa 'yon ng doctor ay mapait akong napangiwi.

Hanggang kailan ako magiging okay?

Parang kahapon lang ng pinaubaya ko sa Diyos ang buhay ko. Nawalan ako ng katiting na pag asa sa mga oras na iyon at hanggang ngayon ay nanatili parin ito sa utak ko.

I sighed.

Nakita 'yon ni Triton. He had this stoic expression, mariin ang tingin niya sa akin pero may halong lambot sa mga mata niya. Kagaya kanina, halos hindi ko makilala si Triton ng niyakap niya ako. May takot sa mga mata niya na hindi ko alam kung para saan.

Pagkatapos kung maturukan, umalis na ang doktor, pagtingin ko naman sa orasan, alas tres na ng umaga, pero hindi na ako dinalaw ng antok.

"You should sleep." biglang saad ni Triton sa akin.

Tinignan ko siya habang papalapit sa akin. Umuga ang kama ng umupo ito sa gilid ko. Napasinghap naman ako.

"H-hindi na ako inaantok, Triton." sagot ko dito.

Hindi na ako makatingin dito dahil ang lapit namin sa isa't isa.

"I-ikaw? Baka inaantok ka na, matulog ka na." saad ko dito at nanatili ang tingin sa mga daliri.

Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang paggalaw ng katawan niya para tingnan ang sofa sa gilid. Napatingin din ako doon.

Ang liit ng sofa. Pang upo lang talaga ang gamit ng sofa na iyon dahil kapag hihiga diyan si Triton, tiyak na hindi siya magkakasya.

Napakagat labi ako.

Saan siya natulog kanina? Bigla akong na guilty.

"P-pwede ka naman dito m-matulog sa kama Triton, uh malaki naman 'to." nauutal na saad ko.

Halos mabali na ang mga kuko ko ng makitang natigilan si Triton. Hindi talaga kaya ng mga mata ko na balingan siya, ni sulyap hindi ko magawa. At 'yong sinabi ko!

"Uh, maliit lang naman ako T-triton, t-tiyak na magkakasya tayo, pero ikaw? I-Ikaw bahala, uhm maliit lang kasi ang sofa baka hindi ka komportable sa p-pagtulog mo." pagrarason ko dito.

Nagkaroon ako ng lakas ng loob na tumingin sakanya kahit na naninikip na ang mga dibdib ko sa kaba.

Kagaya ng una naming pagkikita hindi parin maalis alis sa mga mata niya ang intensidad. Ang paraan ng pagtitig niya ay parang kakabahan ka talaga. O ako lang talaga?

"I have my little bed down there." saad nito sabay turo sa ibaba ng kama ko.

Dumungaw naman ako sa gilid ko. Nakita ko doon ang nakalatag na foam at mga unan. Hindi ko ito nakita kanina!

Namulahan naman ako ng mukha. Bumalik ako sa ayos ko kanina at napakagat labi. Mas lalong hindi na ako makatingin sakanya dahil sa kahihiyan.

"Uh, hindi ko nakita na may nakalatag diyan kanina, uhm matulog ka na." awkward na saad ko.

"Are you not hungry? Diretso ang tulog mo kanina, hindi ka pa kumakain." he said with glint of amusement in his voice.

Napasinghap ako. Makakain pa ba ako sa sitwasyong ito?

I sighed.

Iiling na sana ako para sabihing hindi ako gutom kaso lang nag traydor ang tiyan ko. Okay lang sana kung ako lang nakarinig, kaso lang mukhang hanggang kabilang kwarto umabot ang tunog nitong tiyan ko.

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon