Kabanata 13

5.3K 131 32
                                    

Worried

NAG-BUNTONG hininga ako ng marining ang busina ng sasakyan ni Triton. Aalis na naman siya.

Umakyat na ako sa kwarto ko.

Simula ng umalis si Triton dito dahil sa pagtatalo nila ni Daddy Fernand, hindi na siya dito namamalagi. Pumupunta nalang siya dito kada umaga para ihatid ako sa eskwelahan, at kagaya ng nasanayan ay naghihintay parin ako kay Triton sa practice game nila at ihahatid din kalaunan sa bahay, pero aalis din siya pagkatapos. Hindi ko alam kung saan siya namamalagi, pero isa lang ang alam ko, apektado parin siya sa pagtatalo nila ni Daddy Fernand.

Those days he was so very cold and distant to me. Ni hindi na niya ako matingnan sa mata. He also avoided conversation with me. Pinabayaan ko nalang dahil naiintindihan ko naman siya.

Pero sana lang umuwi na siya dito dahil kapag malaman 'to nila Mommy, alam kong mas malulungkot na naman sila.

Bukas na darating sila Mommy at Daddy Fernand mula sa bakasyon nila. Excited na akong makita sila dahil limang araw na din 'yon. I miss them already.

At alam kong madami na namang kwento si Mommy pagdating niya. And some how gusto ko rin siyang tanungin kung okay lang ba siya, kahit naman sabihin sa 'kin ni Mommy na okay lang siya, I know deep inside their was an unknown and untold feeling.

Sana lang talaga may rason si Daddy Fernand kaya niya doon dinala si Mommy, dahil mataas ang tingin ko sakanya.

I sighed.

Nandito ako ngayon sa terrace ng kwarto ko, gumagawa ng mga assignment at reports sa laptop. Nang umihip ang malamig na hangin, napatingin ako sa harap.

"Gumagabi na pala."

Dahil sa ginaw, umalis na ako sa terrace at pumasok na sa aking kwarto. Umupo ako sa study table at doon ipanagpatuloy ang mga ginagawa ko. Hindi pa ako nakakapag simula ay narinig ko na ang phone kong nag ri-ring.

Kinuha ko ito. Tumaas ang dalawa kong kilay ng makitang unknown number ang tumawag sa 'kin.

I pressed the answer button.

Pagkalagay ko sa tenga ko, narinig ko agad ang maingay na background. I supposed the caller is in the bar.

"Hello? Who's this?" panimula kong tanong.

"Hello Kreisha?" a tipsy voice asked. Is he drunk?

"Sino 'to?"

I should not talk to strangers, pero familiar sa 'kin ang boses ng lalake, at malay ko kung emergency ito. He knows my number so it means I know him. Hindi ko naman basta basta binibigay ang number kung kanino-nino lang.

"This is Jhon Radweck."

Kumalabog bigla ang dibdib ko. How did he get my number? Ni Triton? And how did Triton get my number too?

"U-uhm...bakit napatawag ka?"

"Did Triton go home safetly? Nandiyan na ba siya?"

Napatayo ako sa kinatatayuan ko. Kinabahan ako bigla ng sabihin niyang nakauwi na ba si Triton ng ligtas. Is Triton endanger?

"Bakit anong nangyari sakanya? Hindi naman siya dito umuuwi!" puno ng pag alala ang boses ko ng tanungin ko si Jhon.

"He was drunk, sabi niya uuwi siya ngayon."

Biglang bumilis ang paghinga ko.
Uuwi na siya? At lasing siya'ng nagmamaneho!?

"He was drunk? Bakit hindi ninyo siya hinatid? Baka mapano 'yon sa daan!" dahil sa labis na pag alala hindi ko na namalayang tumaas na pala ang boses ko kay Jhon.

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon