Kabanata 12

6K 133 21
                                    

Cali

NATATAWA parin ako hanggang ngayon kung maaalala ko ang nangyari mula nung nakaraang araw. Si Triton na seryosong nag mamaneho at ako na pilit na ipinaiintindi sa kanya na okay lang ako. Na hindi na niya dapat pa akong dalhin sa hospital.

Okay lang naman talaga ako. I knew to myself that I'm physically okay, that I'm only lying to Triton, para lang makauwi na. Hindi ko din alam kong bakit nag mamadali akong umuwi sa mga oras na 'yon.

Buti nalang talaga na kumbinsi ko siya na sa bahay nalang ako magpahinga, nagtanong pa nga sila Mommy kung may nangyari ba daw sa 'kin dahil todo pag alalay sa 'kin ni Triton sa bahay. Hindi naman kasi ako nalampa!

Araw-araw na din akong naghihintay kay Triton para sabay na kaming umuwi. Hindi naman ako naiinip sa kakahintay dahil may mga schedules akong aabot hanggang five, kaya pagdating ko kadalasan do'n sa gymnasium ay malapit na silang matapos. Ang pinakamatagal lang sigurong oras na naghihintay ako sa kanya ay mga dalawang oras.

Kaya wala namang problema sa 'kin ang ganitong set up. Kasama ko din naman si Maricar, kaya hindi magiging boring ang paghihintay ko, no'ng una, dahil excited pa akong makita kung gaano kagwapo si Evo sa court. Pero ng makitang araw-araw ng pumupunta dito si Samantha, biglang nawala ang sigla ko. Parang gusto ko nalang magtagal sa library kaysa pumunta dito, kung hindi lang talaga kay Maricar, sa library na akong buong oras at aalis na 'pag tapos na sila.

"Good morning Kreisha."

Napangiti ako kay Cali ng makitang bumaba na ito kasama si Evo na kagigising pa lamang.

Napa iwas ako ng tingin ng makitang bumaling ito sa 'kin.

"What is it Dad?" baritong tanong ni Triton.

Nasa sala kami ngayon. Hindi ko alam kung bakit ginising nila kami ng maaga. May importante sigurong sasabihin o siguro may pupuntahan dahil bihis na bihis ang dalawa. May dala pang dalawang malalaking bags.

"Are you two leaving dad?" nakakunot noo'ng saad ni Triton.

Nagkatinginan naman saglit ang dalawa at biglang tumango si Daddy Fernand sa sinabi ni Triton.

"Yes Triton, magbabakasyon lang siguro kami ng isang linggo ni Luisa. Hindi kami magtatagal dahil may mga trabaho pa kami."

Naalala ko noon, kapag may business meeting si Daddy Fernand sa malayo, kasama talaga si Mommy dahil sekretarya niya ito, pero ngayon iba na. Hindi na meeting ang pupuntahan nila kundi bakasyon na, hindi na din sekretarya ni Daddy Fernand si Mommy kundi magiging asawa na.

Noon, pag aalis si Mommy, sobrang hirap sa part ko dahil kailangan ko pang alagaan ang sarili ko. Minsan, 'pag aalis ako sa bahay, walang laman ang tiyan ko, dahil sa sobrang busy wala na akong time para magluto. Mahirap talaga kapag iiwan akong mag isa ni Mommy sa bahay.

Pero ngayon, biglang nawala ang bigat ng nararamdaman ko ng malamang aalis si Mommy. Kasi may kasama na ako, hindi na ako mag iisa pa sa bahay dahil may kasama na ako...

Nandiyan na si Triton...

Hindi ko alam na napapangiti na pala ako sa mga iniisip ko kaya ng makitang nakatingin silang lahat sa akin, bigla akong nawalan ng dugo sa mukha. Shit!

Napatingin ako kay Triton at ng makitang nakatingin din pala ito sa 'kin at may multo pa ng ngiti sa labi ay mabilis akong napaiwas ng tingin. Kumalabog ng mabilis ang dibdib ko.

"Ansaya mo Kreisha ah? Maganda ang gising mo anak?" nakangiting tanong ni Daddy Fernand.

Napalunok naman ako at bigla nalang akong nahihirapang tumingin kay Daddy Fernand. Nagkada utal-utal pa ako sa harapan nila. Shit! Baka kung ano ang isipin nila! Nakakahiya ka Kreisha!

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon