Kabanata 18

4.7K 122 38
                                    

Him

NAPADILAT ako ng sumakit ng matindi ang ulo ko. Hahawakan ko na sana ang ulo ko ng hindi ko magalaw ang dalawang kamay ko. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng nakita kong nakagapos ang dalawa kong kamay sa harapan at 'yong dalawa kong paa naman ay nakagapos sa dulo ng kamang hinihigaan ko. Mabilis akong napatingin sa harapan ng makarinig ako ng tawa.

"Oy, gising na pala si Miss Ganda!" saad ng lalakeng mukhang lasing pa.

My heart beats violently when I saw a lot of man looking at me and I shuttered when I realized what was happening! Mas lalo akong kinabahan ng napagtantong lasing ang mga ito.
Kahit gusto kong magsalita ay tanging hikbi lang ang lumalabas sa bibig ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon lang ako kinabahan ng ganito.

"Ano papatulugin ba natin ulit?" tanong ng isang lalake at may kinuhang panyo sa lamesa.

Napailing ako at nagsimula ng umiyak. "W-wag po. M-maawa p-po kayo s-sa'kin."

Tela wala namang narinig ang lalakeng may hawak ng panyo at may tinawagan. Ang iba naman ay nagtatawanan habang nakatingin sa'kin. Nanginig ang bibig ko sa takot ng makitang kakaiba ang mga titig na ginawad nila sa'kin.

"Kakaiba din si Boss no. Pinakidnap pa talaga niya, kaya niya naman sigurong akitin 'to." saad ng isang lalake habang nakatingin sa binti ko.

"Pero hindi mo naman masisi si Boss, Elmer. Sa ganda ng babaeng 'yan, may boyfriend na siguro 'yan." saad ng isang lalake.

Napahikbi naman ako ng may lumapit sa'kin. Hinawakan niya ang binti at braso ko kaya napaiwas ako sa takot. Hindi mapigilang manginig ng buong katawan ko.

"W-wag po." nanghihinang saad ko.

Pero para itong walang narinig at patuloy parin akong hinihipo. Kahit masakit sa paa at kamay ay iniiwas ko parin ang katawan ko sakanya.

"Ang kinis mong bata ka. Kapag tapos na siguro si Boss sayo, kami naman ang titikim sayo." nakangising saad ng lalake.

Hindi ko na napigilan at napaiyak na ng malakas. Natatakot ako ng sobra sa kalagayan ko ngayon. Hindi na ako masyadong makahinga dahil sa sikip ng dibdib ko. Makailang beses na akong nagtawag ng pangalan sa utak ko para makahingi ng tulong kahit napakaimposible. Kay Mama, kay Daddy Fernand, kay James at hindi ko alam kung bakit makailang beses kong tinawag ang pangalan ni Triton.

"T-tama na p-po." nanginginig kong saad sa lalakeng hinihipo parin ako hanggang ngayon.

"Hoy Berteng! Layuan mo nga 'yan. Pinagbabawal ni Boss na galawin natin siya. Kung magsumbong 'yan lagot talaga tayo!" saad ng isang lalake.

Umalis ang lalake sa harapan ko at galit na bumalik sa kinauupuan niya. Nanginginig parin ako hanggang ngayon dahil naramdaman ko pa din ang bawat haplos niya sa katawan ko.

"Sabi ni Boss papatulugin muna natin siya hangga't hindi pa siya dumating." saad ng lalakeng may katawagan kanina.

Sumibol ang kaba ng katawan ko ng lumapit sa'kin ang lalakeng may hawak na panyo. Umiling ako ng malakas at pilit na umiwas sa panyo. Pero dahil nakagapos ako, hindi ako nagtagumpay. At kagaya ng nangyari bago ako nawala, nahilo ako sa amoy at nakatulog na naman.

Hindi ko na mabilang kung makailang beses na akong pinatulog ngayong araw. Siguro may side effects itong pinaamoy nila sa'kin dahil nanghihina na talaga ako, ni pagbuka ng bibig ay nahihirapan ako, para bang naparalisado na ang buong katawan ko dahil sa pinaamoy nila sa'kin. Tanging luha ko nalang talaga ang hindi napapagod sa kakatulo. Pinakain din nila ako pero sila ang sumusubo sa'kin dahil nakagapos ako. Minsan nga nairita sila sa'kin dahil antagal bumuka ng bibig ko.

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon