Kabanata 9

7.6K 157 39
                                    

Seatbelt

"MAG-INGAT ka sa pagmamaneho mo Triton, may kasama kana ngayon kaya huwag masyadong mabilis." paalala ni Daddy kay Triton.

"Yes Dad." sagot naman ni Triton.

Ngayon ay sabay kaming papasok ni Triton sa school, may ibang sasakyan naman sila Daddy at plano sana niyang ipahatid ako sa driver nila, pero Triton insisted na sakanya na daw ako sasakay dahil iisa lang naman ang aming patutunguhan. Which made me imagine him and me in his car. Awkward.

Nagpaalam na ako kay Mommy at Daddy, ng makapasok na ako sa kotse ni Triton I stopped when I inhaled his car smell. Ang bango! Parang pinapaliguan ito ng pabango ni Triton ah, they smell the same. But I think Trito-

Umayos naman ako ng upo ng pumasok na si Triton. I cleared my throat. Humarap naman ako sa harapan ng makitang nakatingin ito sa akin. What now?

"You forgot something Kreisha." saad nito.

Tumaas ang kilay ko at binalingan siya. "Huh?"

"Tsh."

Nanlaki ang mga mata ko ng lumapit ito sa akin, he stared at me intently. Napaamang naman ako. I am lost with his deep eyes, and I cannot stop my nose to smell him. I'm right, his smell was extremely good. Ngayon ko lang naaamoy ang ganitong bango, his perfume is so very manly, though I know it's so very expensive. But hell gusto kong bumili nito at amoy amoyin hanggang sa magsawa ako.

Natigil ang pagtitinginan namin ng tumikhim ito at yumuko at may kinuha na kung ano sa gilid ko. I hold my breath cause I think his head was so very near with my boobs.

"There."

Nakahinga ako ng maluwag ng lumayo na ito sa akin. Umayos ako ng upo at hinawakan ang ikinabit niya sa akin na seatbelt.

"You should not forget to wear seatbelt Kreisha, it's for safety purposes." baritong saad nito.

Napakagat ako ng labi. "I'm sorry, nakalimutan ko." Para akong batang kapatid na pinapagalitan ng isang kuya, this is what I like, but I don't think I like the feeling that Triton is mad at me or disappointed. It's...uh I can't explain the feeling, but I don't like it.

Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ni Triton ay bigla itong nagtanong kaya napalingon ako sakanya.

"Can you wait for me pagkatapos namin mag practice? Sabay na tayong umuwi."

Napakurap kurap ako sa sinabi niya, hindi niya naman nakita ang pagkagulat ko dahil nakatingin ito sa daan kaya nagkaroon ako ng chance na makita ang mukha niya ng matagal. Ito ang kaunahang nakatitig ako sa mukha niya na hindi naiilang o nahihiya.

"Uhm ilang oras ba?" tanong ko. Still confident na nakatitig sakanya.

"Half an hour Kreisha."

"Ahh makakapaghintay naman ako, pero baka makaabala pa ako sayo. Pwede naman akong mag taxi."

"Bakit ka naman abala? We have the same destination. And I cannot let you take a taxi, it's too risky."

Pinipigilan ko ang nagbabadyang ngiti sa labi ko. He cares for me. Like a brother to her sister.

"Uh baka may date ka pa?" nag aalinlangan kong sagot. I know his reputation. I always saw him changing woman everyday. Nakita ko rin na parati niya itong pinapasakay sa kotse niya kaya baka makaabala pa ako kung sasabay pa ako sakanya pauwi.

Mabilis na bumaling ang tingin ko sa harap ng lumingon siya sa akin. He chuckled.

"Who said I have a date today?" wala pala siyang date ngayon, bukas kaya meron?

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon