Kabanata 3

8.5K 160 3
                                    

Dislike

PAGKATAPOS naming kumain ng desserts ay pinakita na sa akin ni Daddy ang magiging kwarto ko. Sila Mommy at Daddy kasi iisa lang ang kwarto, tutal ikakasal na naman sila at malalaki na kaya wala na akong pakialam sa ganyang bagay. Mature na sila, kaya alam na nila ang tama at mali.

Tumigil kaming tatlo ni Mommy sa isang pintuan, binuksan ito ni Daddy, pero hindi ako dito nakatingin kundi sa kakapasok lang na si Triton sa katabi kong kwarto. Napatulala naman ako saglit, dahil hanggang ngayon hindi parin matanggap ng sistema ko na magiging kapatid ko na talaga ang isang Triton Rivera. Bakit hindi ko naisip na mag ama ang dalawa dahil Rivera si Daddy Fernand?

Napailing naman ako. "Ang tanga mo kasi Kreisha e!" naiinis na saad ko sa sarili.

"Kreisha-iha hindi mo ba nagustuhan ang kwarto mo? Nakita ko kasing parang naiinis ka, pwede naman nating palitan ang pintur--!"

Dali dali naman akong napailing sa sinabi nito. "Naku Daddy, may iniisip lang po kasi ako!" nahihiyang saad ko sabay kamot sa ulo.

Bakit kasi hindi ko mapigilang ilabas ang sinasabi ng isip ko! Akala tuloy ng iba na baliw ako. Lalo na si James, parati niya akong nahuhuling nagsasalitang mag isa. He even said that I'm weird but cute. Ewan ko sakanya!

Pumasok naman ako sa loob. At lahat ng iniisip ko kanina ay nabura nalang bigla ng makita ang napakagandang kwarto ko. Lahat ng kagamitan dito ay pinaghalong puti at violet na nagkataong paborito kong kulay. Ang higaan ko din ay Queen-sized bed, samantalang may sarili din akong walk in closet. Wow! Isa lang ang masasabi ko...

"Prinsesa ba ako?" hindi mapigilang bulalas ko.

Narinig ko namang tumawa si Daddy. "Yes, you are a princess here Kreisha."

Napalingon ako kay Daddy at nakita ko itong nakangiting yumakap kay Mommy mula sa likuran. Lumapit ako dito at niyakap ng mahigpit ang dalawa.
Nagtawanan naman kaming tatlo.

For once I feel completed again.

Pagkatapos ng munting kadramahan namin kanina ay hinayaan nila akong mapag isa sa bago kong kwarto. Nag enjoy naman akong punuin ang bago kong closet ng mga damit at syempre nilagay ko na sa tamang lalagyan ang mga gamit ko mula sa maleta. Naalala ko tuloy bigla ang kwarto ko sa bahay namin ni Mommy noon.

Simple lang naman ang kwarto ko, hindi masyadong malaki hindi din naman masyadong maliit. Simple lang din ang aming buhay noong buhay pa si Daddy, he is a lawyer. Natataguyod niya kaming dalawa ni Mommy at lahat ng gusto ko binibigay niya talaga sa akin. Hindi nga niya hinahayaang pagtrabahuin si Mommy kahit nakagraduate naman ito.

Napabuntong hininga ako ng matapos ko ang ginagawa kong pag aayos ng gamit. Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

"Jusko!" gulat na komento ko.

Kinuha ko naman sa sling bag ko ang cellphone at napangiti ng makita ang caller ID.

[James calling....]

"Hello James!" masiglang bati ko sa kabilang linya.

"Oh Kreisha, nandiyan na ba kayo sa bago niyong lilipatan? Ano mabait ba ang bago mong kapatid? Pinayagan ka ba niyang tawagin siyang kuya?" bungad ni James sa akin.

Napakagat naman ako ng labi. Sasabihin ko ba sakanya? Si James kasi ay isang taong may galit sa mga kagaya ni Triton. Sabi niya ang babae ay dapat alagaan at mahalin, hindi pinapaiyak at papaasahin. Kaya ngayon nag dadalawang isip akong sabihin sakanya na ang magiging kuya ko ay ang kinaiinisan niya sa lahat. Paano nalang?

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon