Kabanata 27

2.6K 67 20
                                    

Disappointment

After two hours of travel, dumating na talaga kami sa Mactan-Cebu International Airport. Paglabas ko sa private plain ng mga Rivera, bigla akong naninibago sa hangin. It was lighter than the air of Manila. Pagtingin ko kina Triton, mukhang hindi naman nila napapansin ito. Siguro makailang ulit na silang nakapunta dito samantalang ako first time pa lang.

Paglabas namin may nakaabang na kaagad na sasakyan. Naghinayang ako bigla. Gusto ko pa sanang ikutin ang airport na ito. Ang ganda kasi. Pero di bale na baka may mas maganda pang tanawin mamaya.

I sighed as I get my things.

"Don't worry, bibisita ulit tayo dito." Triton suddenly appeared in my side.

A gave him a small smile. "Pag bakasyon na."

He nodded and he suddenly grabbed my bag pack in my hand.

"Ako na Triton, hindi naman kabigatan 'yan."

"Hindi nga, kaya ako na." saad nito at umuna na sa sasakyan.

Napailing nalang ako sa inasal nito.

Na sa passenger seat si Cali kaya kaming dalawa ni Triton sa likod. Nakita kong may nakabuntot din isang sasakyang sa amin. Siguro ito ang sinasabing body guard ni Daddy Fernand.

Ayon sa plano, pupuntahan muna namin ang matutuluyan namin ngayong gabi bago kami pumunta sa pamilya ni Manong. Sinugurado naman ni Cali na malapit lang ito sa bahay ng mga Santiago, para hindi na masyadong bumiyahe.

Mga mahigit dalawang oras nga kaming bumiyahe from Cebu to Argao. Ayon sa address na binigay ng mga kapolisan, Talaytay, Argao ang probinsiyang tinitirhan ng mga Santiago.

Makikita mo talaga ang kaibahan ng Argao at Cebu City, kumbaga mini Manila lang ang peg ng Cebu dahil naglalakihan ang estruktura nito at may matindi ding traffic kagaya ng Manila, dito naman sa Argao, probinsyang probinsya talaga. Mabibilang lang sa daliri ang mga malalaking establimento at sa pagkakaalam ko, isa lang ang kanilang mall. Hindi din masyadong mainit at mabibilang lang sa daliri ang mga sasakyan. They have also a weird transportation and I want to try it.

"Ito lang ang magandang resort ng Argao, Cali. Ang Mahayahay Beach Resort. Ang iba kasi masyadong maliit at hindi di aircon." narinig kong saad ng driver kay Cali.

Napatingin naman ako sa labas. Ito siguro ang sinasabi ng driver. Wala bang hotel dito sa Argao at sa resort talaga kami? Sayang lang dahil hindi namin ma e-enjoy ang dagat nila dito, hindi din naman kasi bakasyon ang ipinunta namin dito.

"This will do, Arman. Hintayin mo nalang kami at ilalagay muna namin ang mga gamit namin." saad ni Cali at lumabas na nga sa sasakyan.

Bubuksan ko na sana ang pintuan sa side ko ng may nagbukas na pala sa labas. A man with a tuxedo attire. May earpeace din siya sa kaliwang tenga niya.

"'Yan 'yong pinadalang bodyguard ni Sir Fernand, Kreisha. Apat silang lahat." biglang saad ni Cali sa tabi ko ng makitang tinititigan ko ang lalake.

"Ahhh, akala ko kung sino." saad ko at mahinang tumawa.

Ngumiti lamang si Cali at lumapit kaagad sa babaeng nasa unahan. At dahil wala akong dalang bag, sumunod nalang ako dito at hindi na hinintay si Triton.

Busog na busog ang mata ko sa magandang tanawing pinagkaloob ng resort na ito. At kahit hindi ko pa nakikita ang dagat, naririnig ko ito mula dito. Excited tuloy akong makita ito.

"Welcome to Mahayahay Argao Beach Resort, Ma'am and Sir." salubong kaagad sa amin ng babae.

She wears his bright smile while looking at us. Nakasuot ito ng white longsleeves at itim na palda, probably their uniform.

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon