Kabanata 25

2.7K 75 40
                                    

Couple

"You don't have to, Triton. May klase ka pa diba? 'Yong basketball tournament mo malapit na din. Atsaka nandoon naman si Cali at ang mga ipapadala kong mga bodyguard para samahan sila."

Napatango naman ako sa sinabi ni Daddy Fernand pero napatigil ng napatingin sa akin si Triton. Nakagat ko ang labi ko ng makitang mariin ang tingin nito sa akin.

"Oo nga iho, kahit dalawang araw lang 'yan, marami rami ka ng hahabulin sa eskwelahan lalo na't ngayong buwan mukhang tagilid 'yong pag aaral mo." nakangiwing saad ni Mommy.

Napalunok ako.

It was my fault.

"Kaya ko namang humabol Tita." saad ni Triton.

"Triton, dito ka nalang. Ayosin mo muna ang pag aaral mo." mariing wika ni Daddy Fernand.

"Dalawang araw lang naman Dad, it's not like babagsak ako sa dalawang araw na 'yon." pagkumbinse ni Triton kay Daddy Fernand.

"No, you stay Triton. Bakit ba gusto mong sumama?"

Natigilan naman si Triton. Dumaan ang mga mata niya sa akin kaya madali kung nabaling ang tingin ko sa pagkain.

"Why? May babae ka ba doon at atat na atat kang sumama? One of your exes perhaps?"

Triton sported his usual poker face. Tumawa naman si Daddy Fernand, kaya kumunot ang noo nito at napailing.

"No Dad! Gusto ko lang talagang sumama kina Tita." mariing wika nito.

"Yeah if you say so, pero my decision is final Triton. Hayaan muna si Cali at ang mga bodyguard na sumama sa kanila."

And it was ended with Triton sighing defeatedly.

Bakit ba kasi gusto niyang sumama? Totoo kaya ang sinabi ni Daddy Fernand na baka may babae siya doon? At kung hindi siya sumama para doon? Bakit tunog defensive siya?

Biglang bumigat ang dibdib ko sa naisip.

Hindi na tuloy ako makatingin dito, ni paglunok ng sariling pagkain ay nahihirapan na din ako. I know Triton is looking at me right now that's why it's hard for me to chew my own food!

And I just found myself coughing.

"Hinay hinay lang Kreisha baka mabulunan ka." pag aalalang saad ni Mommy.

Napangiti ako ng mapait. "Gutom lang Mommy."

Pagkatapos na pagkapos naming kumain ng panghimagas tumuloy na ako sa kwarto ko.

Hinawakan ko ang dibdib ko. It was beating fast and I'm sweating bullets!

Dumamba ako sa kama ko. Habang nakatingin sa kisame hinawakan ko ang kumakalabog na dibdib ko. Kinakabahan ako, pero kakaiba ang kabang 'to. Ito 'yong pilit kong winwala sa isipan ko sa mga nagdaang araw.

Pumikit ako.

"This is killing me." mahinang usal ko a hangin.

Napatalon ako sa kinahihigaan ko ng makarinig ng katok.

Dali dali akong umalis sa kama at pinagbuksan ang kumatok, akala ko si Mommy o si Daddy Fernand, but it was Triton!

Napatigil ako sa kinatatayuan ko.

Tumaas ang kilay nito. "Are you okay?"

Natauhan naman ako sa sinabi nito at napakamot sa ulo. "Uh, oo naman." nahihirapang usal ko.

There was long silence. Magsasalita na sana ako kung may kailangan ba siya ng magsalita ito.

He licked his lips. "Wala akong babae sa Cebu, gusto ko lang talagang sumama sa inyo, sa iyo, no other reasons."

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon