Kabanata 10

7K 140 28
                                    

Energy Drink

HINDI ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito.  Tatayo ba para batiin si Triton at ang mga kaibigan niya? Pagsabihan siya sa masamang tinging pinukol niya kay James? O tatayo at iwanan sila?

Napalunok ako. Bukod sa wala akong maisip na matinong solusyon ay marami ding mga estudyanteng nakiusyoso sa amin dito kaya mas lalo lang akong kinakabahan. Pero mas nanaig pa din ang instinct kong protektahan ang kaibigan ko.

Hindi ibig sabihin na mas pinapanigan ko ang kaibigan ko kumpara kay Triton, pero kung iisipin naman ay mas dehado si James kumpara kay Triton. Triton is with his friends at tanging ako lang ang kaibigan ni James dito. Atsaka hindi ko naman hahayaang aapihin lang ang kaibigan ko.

Tumayo ako at hinarap si Triton. Tinignan ko ito sa mata at nanalanging mawala ang kaba ko sa tuwing tinitignan ko siya ng deretso sa mata. "T-triton hindi naman siguro sinasadyang sabihin 'yon ni James. Nadala lang siguro siya sa emosyon niya."

"Kreisha you don't have to defend me! Lahat ng sinabi ko ay totoo!" malakas na tonong saad ni James.

Napapikit ako. Akala ko pa naman sasakyan ako ni James pero hindi pala! Mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon dito. Napailing ako sa inis.

Nahagip ng mga mata ko si Evo. He is watching me seriously, tapos ngumiti ito ng magkatagpo ang aming mga mata.

I trembled. Kahit nasa ganitong sitwasyon pa ako at naiipit sa dalawa ay hindi talaga mapigilan ng katawan ko na kiligin kapag ngumingiti si Evo sa akin. He made me forgot all of the things around me and just mesmerized with his smile.

Pero natigil ang titigan namin si Evo ng makita kong biglang lumapit si Triton kay James. Naalarma ako pati na din ang mga kaibigan nito. Even the crowds were shocked at this scene, some were whispering to each other. Sino bang hindi? This is a big news, for the first time in history the ultimate playboy started a fight with a mere student.

"Triton." I warned.

Tumingin naman siya sa akin saglit bago binalik ang tingin kay James. Gumalaw pa ang panga nitong nakatingin kay James.

"You're lucky you are Kreisha's bestfriend." matigas na saad ni Triton.

He stared at James for a while bago binaling ang tingin sa akin. His dark and dangerous eyes scanned our table.

"Kumain ka na?" matigas na tanong nito at binalingan ako.

Napakurap kurap ako sa biglaang tanong niya sa akin. He managed to ask me like that after what happened earlier? Akala ko ay aalis na ito ng tuluyan, dahil alam kung nagtitimpi lang itong si Triton kay James.

"Uh kakain pa lang." sagot ko dito.

Tumango naman ito. He licked his lips.

"Drink this."

Bigla niyang inabot sa akin ang energy drink na hindi ko nakita kanina na hawak hawak pala niya. Binili niya ba ito para sa akin?

I paused. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong maramdaman. Mahihiya ba o masasayahan.

Matagal pa bago ako makahulma ng sagot.

"Uh...huwag na Triton may tubig naman ako." nahihiyahang saad ko.

"Binili ko ito para sayo, so you better drink this."

My lips parted. Binilhan niya talaga ako!

"Uh s-sige salamat." kinuha ko mula sa kamay niya ang energy drink.

Wala na akong iba pang magagawa kundi tanggapin nalang ito. Ayaw ko namang kasing tanggihan siya, masasayang lang ang effort niya pag nagkataon. Atsaka hindi naman kawalan sa bulsa niya ang energy drink na ito, peso lang ito sakanya.

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon