Kabanata 5

7.9K 147 2
                                    

Crush

NAGSISISI akong pumayag na sumama kay Triton. First time kung makapunta sa isang bar. Pagkababa ko sa kotse niya parang gusto ko ng umatras at umuwi na. Akala ko ba dadalhin niya ako sa restaurant kagaya ng sinabi sakanya ni Daddy?

Gusto kong magtanong kung bakit dito? Pero hindi naman ako sumama sakanya para magdemand, nandito ako para maging malapit kami sa isa't isa at hindi na niya iisipin ang mga plano niya sa amin ni Mommy.

I sighed. "Kaya mo yan Kreisha!"

Napatingin naman ako kay Triton ng marinig ko itong mahinang tumawa. "Hindi ka pa ba nakakapunta ng bar?" tanong niya.

Napakamot ako ng ulo. "A-ah hindi pa, bawal kasi." sagot ko.

"But you're already eighteen."

"Hindi ko din naman gustong pumunta sa ganitong lugar, sabi kasi ni Mommy, ang mga taong pumupunta ng ganitong lugar ay pinapahamak lang ang mga sarili nila." nasobrahan yata ako sa pagdadaldal, baka ma-offend ko siya sa mga sinasabi ko.

Akala ko maiinis siya sa akin at magagalit sa mga sinabi ko. Alam ko naman kasi na palagi siyang nandito sa mga bar at yung sinasabi ko kanina parang pinupunto ko sakanya. Hindi ko din naman sinasadyang patamaan siya. Kaya nabigla nalang ako ng ngumiti ito sa akin.

"Right. Kaya ikaw huwag na huwag kang pumupunta dito kung ikaw lang mag isa, kahit may kasama ka pang kaibigan hindi pwede. Makakapunta ka lang dito kapag kasama mo ako." sumeryoso ito habang nagsasalita.

Napangiti ako sa isip. I think he cares for me like I'm his little sister. Ito na ba ang simula? I hope so.

Sumunod ako sakanya ng magsimula na itong maglakad. Tinignan ko naman ang pangalan ng bar na nakaplastar sa itaas.

"Redship." basa ko.

"Let's go, baka mawala ka pa." nabigla ako ng bigla niya akong higitin sa braso ko. Napatingin naman ako sa mga kamay niyang hawak hawak ako ngayon. I smiled. Protective and sweet brother huh?

"Good evening Mr. Rivera." bati sakanya ng lalaking nakaitim na may malaking katawan. Napalunok naman ako ng pasadahan niya ako ng tingin. Jusko nakakatakot naman ang lalaking ito! Ang laki laki ng katawan, may mga tattoo pa ito sa braso at singsing sa ilong. Isang pitik lang siguro nito, tumba na ako dito.

Napabuntong hininga naman ako ng maakaalis na kami doon. Pero pagkapasok namin napapikit naman ako kaagad. Andaming naghahalikan dito, jusko! Nagkakainan din ang ilan! Ang iba naman ang lilikot ng mga kamay. Para silang zombies na gutom na gutom sa isa't isa!

"Don't mind them."

Napatingin naman ako kay Triton ng sabihin niya iyon, parang wala lang ito sakanya. Hindi ba siya naiilang na may naghahalikan sa gilid niya? Kasi ako OO!

Kagaya ng sinabi niya, hindi ko nalang binalingan ang mga taong nagkakainan. Nanatili nalang akong nakatingin sa kamay niyang hawak ang braso ko ngayon. Nagsimula na naman akong magsisi, andami kasing tumitingin tingin sa akin. Sino bang hindi? Akala nila naliligaw ako dahil sa suot ko. Nakadress kasi ako, parang simbahan ang pupuntahan ko hindi bar! Si Triton kasi eh!

Ilang minuto pa ay nakita ko na sa isang lamesa ang mga kaibigan ni Triton. Kaya napahinto ako. Sila ang mga sikat na basketball player sa campus namin kasama si Triton. Matagal ko na silang kilala dahil halos bukangbibig ng mga kababaihan sa campus namin ang limang mga lalaking ito. They standout in every aspect.

Mula nga sa kinatatayuan ko ngayon sila kaagad ang nakaakit ng mga mata ko. They have a strong and charming aura that girls flocks towards them. Lalo na itong katabi ko na captain pa nila.

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon