Kabanata 11

6.8K 147 36
                                    

Towel

MAG ISA akong nakaupo ngayon dito sa bench, dito ako pinaupo ni Triton kasama ang mga gamit nila. Hindi lang ako ang nanonood ng practice game nila ngayon, kundi may ilan ding mga babae ang pumupunta dito para makinood. Actually sobrang dami nila, aakalain mo talagang final game na ng Jamieson basketball team.

Siyempre ng makita nila akong nakaupo dito, bulungan agad! May ilan nga na outdated sa balita at iniisip nilang girlfriend ako ni Triton, may iba ding may alam na talaga na magiging kapatid na ako ni Triton. Iba iba ng naririnig ko, at aaminin kong naapektuhan ako sa bawat sinasabi nila but I didn't heard words beyond my limit. It is because I'm too focus on one thing.

Ang lalakeng naglalaro ngayon ng basketball!

Si Evo!

Evo Fuentellan is undeniably handsome! Kahit pagod na pagod na at namamawis na, ang gwapo parin niya! Mula nga rito nakikita ko kung paano kumintab kintab ang mga pawis niya sa katawan and that made him more attractive and manly ever in my eyes! Hindi lang yun! Anggaling niyang maglaro, he move expertly!

"Nakawin ko kaya ang towel niya para wala na siyang magamit pang punas." I giggled in my own words.

Tumigil ako sa paghagikhik ng mapansin ako ng mga babae sa likod ko.

Minsan din sumisiklap siklap ako kay Triton, ang galing niya kasi. He is a monster in this court, lahat ng kilos at galaw niya ay kalkulado at talagang mapapahanga ka sakanya. And the way his eyes sparkle whenever he gots shots, he looks so please and so proud on himself. Basketball is really his passion.

Napangiti naman ako ng maka three points shot na naman siya, nadadala siguro ako sa laro kaya ako napapangiti o napapatalon sa upuan ko. Pero ngayon hindi kaagad ako nakaiwas ng tingin ng lumingon siya bigla sa banda ko kaya hindi ko alam kung nakita niya ba ang ngiti ko!

"Eh ano naman ngayon kung nakita niyang nakangiti ako? Masama bang masayahan?" bulong ko sa sarili ko.

"Kreisha!"

Napalingon ako sa sumigaw ng pangalan ko. At nakita ko si Maricar na may dala dalang tubig at panyo. Nginitian ko ito at sinenyasang pumunta dito.

Nang makalapit siya ay pinaupo ko siya sa tabi ko.

"Pwedeng bang umupo dito?" tanong niya.

"Bakit naman hindi?" natatawang tanong ko.

Tumawa ito. "Ewan! Doon lang kasi ako umuupo kapag manonood ako ng mga practice game nila Leonard." tinuro niya ang upuan sa likod.

"Parati ka dito?"

Itinaas niya ang dala niyang tubig at panyo at ngumiti. "I'm always here for Leonard, binibigay ko 'to sakanya kapag may practice game sila. Nung una hindi pa nga niya 'to tinatanggap, pero dahil pursigido ako o siguro naiinis lang siya sa akin kaya tinanggap na niya ngayon." natatawang saad ni Maricar.

Napangiti ako. She really like Leonard so much.

"Ikaw? Ngayon lang kita nakita dito ah? Hinihintay mo ba si Triton?" tanong nito.

"Uhh, oo. Sabay kasi kaming uuwi." sagot ko.

"Alam mo naiingit na ako sa'yo!" bigla niyang saad kaya kumunot ang noo ko.

"Bakit naman?"

"Eh kasi! Magiging kapatid mo na si Triton! Kung ako lang nasa posisyon mo, sasabihin ko talaga kay Triton na ireto niya ako kay Leonard, kung hindi papayag, sasabihin ko na pahirapan niya sa practice game nila! Tingnan natin kung hindi kami magkatuluyan!"

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon