Kabanata 22

3.7K 89 55
                                    

Weird

"Alam mo ba Kreisha, may na se-sense akong kakaiba diyan sa dalawa." malisyosong saad ni Maricar pagkatapos ihatid ng tingin ang dalawang nag boluntaryong bumili ng pagkain.

"Oo nga Kreisha, ngayong nga lang namin nakitang ganito si Ella. No'ng nawala ka, hindi 'yan mapakali si James, ni hindi 'yan masyadong kumakain, tapos itong si Ella todo asikaso kay James na akala mo nama'y may sakit. Tsk. At ang pinagtataka ko pa ay ang madalas na pagkawala ng dalawa. Naku! Mukhang may nangyayaring hindi natin alam." umiling iling na saad ni Macey.

Napangiti naman ako dahil sa kadaldalan ng dalawa. Nakatulong ang presenya ng mga kaibigan ko para hindi ko masyadong isipin ang nangyari no'ng nakaraang araw.

I sighed.

Dalawang araw na din simula ng nangyari ang masamang bangungot kong iyon. Sa araw na iyon alam kong nakakulong na din si Marvin, kaya ganito nalang kaginhawa ang nararamdaman ko, but not totally. Hindi na din ako nagkakaroon ng mga bangungot na labis na ikanasasaya ko. Alam kong part sa healing process ko ang pagkakakulong ni Marvin pero hindi parin ako nakakampante, he is still in jail and still breathing, may kakayahan pa siya.

But I know the time will come and I will be able to heal on my own. Someday.

"Bagay naman sila ah." nakangiting saad ko sa dalawa.

Sa una pa lang ay may napapansin na talaga ako diyan sa dalawa. At dahil sa sinabi ng dalawang 'to ay nagdagdagan pa ang hinala ko. At kung talagang nagkakagustuhan man ang dalawa, well I am happy for the both them. I can picture out how good they are with each other, kung hindi lang snob sa babae itong si James, he could be as good and level with Evo.

"Girl, hindi lang kami sanay na may pinagkakaabalahan si Ella. And what surprises us ay lalaki pa! It's so not her!" saad ni Maricar.

"What if tanungin natin sila Kreisha?" excited na tanong ni Macey.

Napailing naman ako. "No, let them be. May rason siguro kaya hindi nila masabi sabi sa atin ang tinatago nila."

Maricar sighed. "Well your right, but hell na cu-curious talaga ako do'n sa dalawa!" maktol ni Maricar.

Napangisi naman ako. Kahit ako kating kati na ang dila kong tanungin ang dalawa.

Nagkwentuhan pa kami saglit habang hinihintay namin sila James at Ella. No'ng unang bisista nila sa akin ay hindi nila ako naabutan dahil tulog ako at ang pangalawa naman ay kahapon. Umiyak ang dalawang 'to ng makita akong nagising, halos humiga na sila dito sa kama para yakapin ako. Si Ella at James naman ay kahit hindi ko nakitaan ng luha alam kong nag aalala sila sa akin. Mas mahigpit pa nga silang yumakap sa'kin.

No'ng hindi pa dumating sila Ella dito, si Mommy ang nagbabantay sa akin. Simula no'ng nakita kong sinuntok ni Triton ang pader bago ako makatulog, hindi na siya bumalik pa. Labis akong nag aalala dahil simula no'n naging weird si Mommy, halos hindi siya mapakali habang binabantayan ako. I tried to asked her, pero sabi niya huwag ko nalang daw intindihin iyon. Kaya ngayong dumating ang mga kaibigan ko, ibinilin ako ni Mommy sa kanila at dali daling umalis.

Mommy was acting stranged.

Dumating na sila Ella at James kaya nagsimula na kaming kumain. Nakikisabay naman ako sa mga kalokohan nila pero hindi ako mapakali sa inasal ni Mommy.

"James? Nakita mo ba sa school si Triton?" tanong ko dito.

Natigilan saglit si James. "Uh, oo naman. Sumama pa nga siya sa amin sa cafeteria kahapon, d-diba?" nahihirapang saad nito sabay tingin kay Ella.

My Possessive Step BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon