CHAPTER 1- Unforgettable wedding

35 2 0
                                    


"Berane,ate, pakihanap naman 'yung mga libro ninyo noong elementary. Ibibigay ko lang sa mga akay nating bata" utos ni mommy kay ate.

"Mommy, busy po ako. Kachat ko si bossing para makapagleave next week. " sagot naman ni ate.

"SHASHA IKAW NA LANG" sigaw niya pa.

Ang sakit sa tenga! Katabi ko lang naman siya. Kainis.

"Fine. Don't shout"

"Nandiyan sa pinakababa ng cabinet, darling" sabi ni mommy.

"Okay po"

Tumayo ako mula sa kinahihigaan kong sofa tiyaka nagtungo sa cabinet. Nakita ko agad ang pinapahanap ni mommy. Binuhat ko iyon at nilagay sa lamesa. Binuklat ko ang English textbook na favorite ko since then dahil maraming mga poems and stories dito.

Ngunit noong unang buklat ko ay may nakita akong letrato. Dalawang bata na magkahawak kamay habang nakangiti ng sobrang tamis. Ang babae ay may pulang rosas sa kanang tenga.

Bigla akong napangiti dahil ito 'yung araw na kinasal kami. Kasal kasalan.

------------------------------------------------------------------------

"Shasha, tignan mo 'yung aso oh. Ang taba taba tapos ang liit ng paa. Gusto ko ng ganiyan" sabi ng batang lalaki.

"Alam ko ang tawag diyan Brandon!" tuwang tuwa na sabi ng babae.

"Georgy ata" dugtong pa niya.

"Georgy? Gusto ko niyan!"

Paulit-ulit na binigkas ito ni Brandon na tila ba ayaw makalimutan ang pangalang iyon.

Bigla naming may dumating na dalawang bata at nilapitan sila.

"Uyy mga bata. Ako nga pala si Athena Sison. 5 years old. Kalilipat lang namin dito. At ito naman ang kasama kong si Eric. Pinsan ko siya at nagbabakasyon sa bahay namin. Kayo, anong pangalan ninyo?" sabi ng batang babae. Halata sa bata na may kaya ito dahil hindi man kaputian, maganda pa rin ito at hindi madungis.

"Ako si Sha sha. Kasing edad mo lang ako." Nagkamay ang dalawa na tila ba propesyonal.

"Eh sino naman iyang kasama mo, Sha sha? Ang cute niya kahit bungal siya." Sabi ni Athena habang nakangiti kay Brandon.

"Ah, siya si Dondon. Kapitbahay at kaibigan ko."

"Hi Dondon. Ang cute mo bata." Sabi ni Athena at biglang niyakap si Brandon. "May naisip akong laro!" masiglang sabi niya.

"Ano?" Tanong naming tatlo.

"Kasal kasalan. Kami ni Dondon ang ikakasal. Ikaw, Sha sha ang flower girl at ikaw naman Eric ang pari!"

"Ay wala kaming pari eh. Ministro ang tawag sa amin" sabi ni Dondon.

"Edi ministro. Sha sha, kumuha ka ng isang rosas doon oh. Gagawa naman ako ng singsing gawa sa santan." Tila excited na excited si Athena na ikakasal siya kay Dondon. Habang si Dondon naman ay nakasimangot at sinundan si Sha sha.

"Sha sha ayoko ikasal kay Athena." Naiinis na sabi ni Dondon.

"Ano ka ba Dondon, kunwari lang naman iyon. At mukhang crush ka ni Athena. Ayieeeeeeh." Sinundot sundot ni Sha sha ang naiinis na si Dondon sa tagiliran. Parehas silang humalakhak at tiyaka bumalik na sa pwesto.

"Oh game na. Sha sha, ikaw muna ang unang maglalakad dala mo ang bulaklak na santan. Ibubuhos mo sa amin iyan ni Dondon kapag kasal na kami. Game! 1, 2, 3 go! Tententenen tententenen"

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon