CHAPTER 7- Consequence

9 2 0
                                    

Umuwi na kami at hinatid niya naman ako sa bahay.

"Bye Brandon, thank you for always completing my day."

"Thank you rin for always completing me, Sha. Advanced Happy New Year."

I nod. Pumasok na ako sa bahay. Iba ang aura ng bahay ngayon. Ewan ko kung bakit pero ngayon lang ako nakaramdam ng kaba sa bahay namin. Tumingin ako sa orasan. Hala! 1 AM na pala?

Hindi ko napansin ang oras. Ganoon ba katagal ang traffic kanina? Hindi ko namalayan.

Pumunta ako sa banyo para maghilamos na. Pumunta rin ako sa kusina para makainom ng tubig.

Binuksan ko ang ilaw at nakitang natutulog doon si daddy. Nagising siya dahil sa liwanag ng ilaw.

Hindi ko maipinta ang mukha niya ngayon.

"Daddy, sorry traffic po kasi kaya nalate ako ng uwi."

Hindi pa rin siya kumikibo. Hindi ko na makilala ang tatay ko. Wala na ang dating masiyahin at palabiro niyang aura.

"Anong kapisanan mo?" malamig na tanong niya.

"Binhi po."

"Ah, Binhi ka pala? Hindi ba ang golden rule n'yo ay huwag makikipagtipan?"

"Opo." sumagot na lang ako kahit alam ko sa sarili kong wala akong katipan.

"Naturuan ka, Shaina. Tama ba ang makipaghalikan sa lalaki? Pinagkatiwalaan kita."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. Walang kahulugan ang halik na iyon! Tiyaka hindi ko alam kung paano niya nalaman iyon.

"Daddy, mali po ang iniisip n'yo."

"Mali? Kitang kita na sa letrato, Shaina! Magsisinungaling ka pa?"

Bigla naming tumulo ang luha ko. Ayokong nagagalit si daddy sa akin. Huling nagalit siya sa akin ay noong may napaiyak ako sa school. Kung anu-ano kasi ang sinabi niya sa akin, kaya ayun, ginantihan ko. Pero napakatagal na no'n at away bata lang. Iba ngayon. Ibang-iba.

Pero kahit na walang kahulugan sa akin ang halik na iyon, marahil ay mali nga talaga iyon. Mali ang ginawa namin dahil wala pa kami sa tamang edad.

Pero... pero noong nagtama ang mga labi namin, hindi ko na napansin ang mundo. Nakalimutan ko bigla ang lahat. Wala akong nakitang mali noong mga oras na iyon. Siya. Siya lang ang nakikita kong tama.

Hindi ko na kayang ipaglaban pa ang sarili ko. Tinatanggap ko na ang aking kamalian.

"Sorry, daddy." bulong ko. Kanina pa siya umalis dala ng galit.

Wala na akong pakialam kung sinuman ang nagsend noon kay daddy. Maging masaya sana siya.

Hindi ko alam kung bakit parang ayaw ng puso kong magsisi sa nagawa ko kanina. Gano'n ba talaga kasarap ang bawal? Hindi ko na alam ang gagawin ko, pero alam ko kung sino ang makakatulong sa akin.

"Ama..."

Tumulo ang luha ko habang nagkukwento sa kaniya. Ang sarap mo po talagang maging kaibigan, Ama.

-------------------------------------------------------------------

"HAPPY NEW YEAR!!!"

Malalakas ang mga paputok na naririnig ko. Ang ganda ng mga fireworks display. Siguradong makakapasok na naman ito sa Guiness World Record. Pero hindi ko alan kung bakit hindi ko maappreciate. Ganoon na ba ako kagutom?

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon