CHAPTER 4- Thank you

12 2 0
                                    

Ginawa naming pader ang kulambo, ang kumot bilang bubong. Naglagay rin kami ng malalaking puzzle tiles sa loob no'n. Gumulung gulong si Barbie at Waffle roon habang kami naman ay naglalagay ng unan.

"Pagkakaalala ko Dondon, masaya naman ang childhood natin. Miss mo na bang maglaro?"

He rolled his eyes.

Kainis talaga 'to. Nilaro ko na lang si Barbie at Waffle. Ang cute cute ng dalawa. Minsan, sinasakay ko si Barbie kay Waffle. Ang cute nilaaaa. Parang gusto ko tuloy bumalik sa pagkabata.

"Shaina" malalim na pagkakasabi ni Dondon.

Minsan niya lang ako tawagin sa real name ko. Tumingin ako sa kaniya at nakatingin rin siya sa akin.

"I have many things to say." Ewan ko kung bakit kinakabahan ako. Minsan lang kasi magseryoso 'to eh.

"First..."

"Hmmm?" Ano kaya 'yun? Nacucurious ako!

"A-ang" bigla siyang tumigil. Tss. Pabitin " Ang gwapo ko." sinuntok ko siya nang mahina. Nakakasar talaga 'to. I'm sure hindi ito ang totoo niyang sasabihin.

Ano ba, Dondon? Lagi mo na lang akong pinapakaba. Sa tuwing natingin, nangiti at kahit anong gawin mo sa akin.

Ano bang meron sa iyo?

Totoo ba 'tong nararamdaman ko?

Matagal ko nang itinatanggi ito sa sarili ko dahil alam kong bawal. Kapag pinagpatuloy ko, mapapahamak ako, mapapahamak siya at ang pamilya namin.

Pero gusto ko ring marinig galing sa kaniya.

Gusto ko ring marinig ito galing mismo sa kaniya. Na parehas kami ng nararamdaman. Na kaya niyang maghintay hanggang maging pwede na.

Sana sa panahong pwede na, tayo na lang.

"Shaina, magmiministro ako."

Ha?

Dapat matuwa ako. Dapat maging masaya ako para sa kaniya. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako? From the thought na mawawala siya sa tabi ko, parang hindi ko kakayanin.

No, ano ba itong iniisip ko? That's great! Nangangailangan ang Iglesia nang mga magmiministro, and it suits him well. Hindi ko na napigilang umiyak.

"Why are you crying? Mamimiss mo ba ako?"

Ang sarap talaga batukan nito. Oo, mamimiss kita. Sobra.

I nod.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya pero agad din itong ngumiti. A sad smile.

"I have a reason."

"No, Brandon. I have nothing to say about your decision. It's for God."

Nakita kong tumulo na rin ang luha niya.

"My mom wants it." No, Brandon. It's really okay. Really.

"Brandon.." nakatitig lang kami sa mata ng bawat isa. Then, he smiled again. A really really sad smile.

"My mom has a stage 1 colon cancer."

I looked at him. Tama ba ang narinig ko?

Lalong bumuhos ang luha ko.

My mom has a stage 1 colon cancer.

Bakit?

Bakit?

"Brandon" I hugged him. Pareho na kaming naiyak dito. Tinanaw ko muna sila Barbie at Waffle kung ayos pa ba sila. "Brandon, gagaling si tita Claire."

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon