CHAPTER 3- Waffle

14 2 0
                                    

As usual, inaatake na naman ang INC kung bakit daw walang pasko. Buti sana kung nagtatanong lang eh, kaso 'yung iba nang-iinsulto na. Nakakainis. Nakakainis at nakakaawa.

Bakit ang pagkasilang ng Panginoong Jesus ay hindi maaaring naganap sa buwan ng Disyembre?

> "Sa lupain ding yaon ay may mga pastol na nasa parang, nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Biglang lumitaw sa harapan nila ang isang anghel ng Panginoon at lumaganap sa paligid nila ang nakasisilaw na kaningningan ng Panginoon. Natakot sila nang gayon na lamang."(Lu. 2:8-9, Ibid.)

Nang si Jesus ay ipanganak ay may mga pastol ng tupa na nasa parang na nagpupuyat sa pagbabantay ng kanilang mga tupa. Hindi ito gagawin ng mga pastol sa Betlehem sa buwan ng Disyembre dahil ito ay panahon ng taglamig at kadalasang umuulan ng yelo sa gabi.

Bakit naman ika-25 ang itinakdang araw?

>Ang ika-25 ng Disyembre ay petsa ng isang kapistahang pagano ng mga Romano na ipinagdiriwang noong 274 bilang kapanganakan ng hindi mapapanaigang araw.

Kaya, kapistahang pagano ang nakaimpluwensiya sa pagkakatakda ng Disyembre 25 bilang araw daw ng kapanganakan ng Panginoong Jesus. Ang ginawa ng Iglesia Katolika ay itinakda ang Disyembre 25 bilang Kapistahan ng Kapanganakan ng Araw ng Katuwiran, na lalong kilala sa tawag na "Pasko."

Gaano kinasusuklaman ng Panginoong Diyos ang mga Pagano, at ang mga gawain nila?

>"Huwag na kayong mamuhay na gaya ng mga paganong walang kabuluhan ang mga iniisip at nadirimlan ang kaisipan. Dahil wala silang pagkaunawa at matigas ang kanilang puso, hiwalay sila sa buhay na mula sa Dios.

"Manhid na sila, at isinuko ang kanilang mga sarili sa malalaswang gawain. Nasugapa na sila sa paggawa ng lahat ng karumihan.

"Subalit hindi ganyan ang inyong natutuhan kay Cristo!" (Efe. 4:17-20,Salita ng Buhay)

Lagi ko iyang cinocopy paste sa mga comment sections. Copy paste lang at pagpapaliwanag ang tangi kong nagagawa dahil natatakot ako sa mga sinasabi nila. Nagbabasa kasi ako ng mga reply nila sa mga kapatid sa comment sections. Minumura, pinagtatawanan, at pinagtutulungan.

Hindi ako sa mga kapatid na nabubully sa comment sections naaawa, kung hindi sa kanila. Kaya ginagawa ko ang lahat para lang maakay sila. Maakay sa katotohanan.

***

Lunes na ngayon pero mabuti na lamang at bakasyon ngayon. 'Christmas' break kasi.

"Waffle chu chu. 'Lika na, gagala tayo." nasaan na naman ba ang matabang asong iyon? Usually, nakikita ko siya sa may laundry. Gusto niyang magtago kung saan saan pero hindi siya nagkakasya. Poor dog.

Tahimik lang dito sa subd. namin kaya gustung gusto ko laging iniikot. Hindi siya gano'n kalaki, pero hindi rin siya maliit. Muntik na akong umatras noong naalala kong madaraanan ko nga pala 'yung bahay nila.

Aba, bakit ko ba iniintindi 'yun?

"Let's go, Waffle"

Nakakatawa talagang lumakad 'tong asong ito. Maliit kasi ang paa niya tapos pahaba na mataba ang katawan, wala pang buntot. Parang penguin tuloy kung maglakad.

 Parang penguin tuloy kung maglakad

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon