Chapter 12- PYHOMS

5 1 0
                                    

Hindi na ako nagpakita pa kay Brandon bago siya umalis. And, pwede na ring magpahinga sa bahay nila si Tita Claire. Sana magtuloy tuloy na.

2 texts from Don don

Hey. Goodmorning. On the way na ako. Please take care. Papracticin ko mamaya 'yung sayaw natin sa debut mo;)

Hello again! I bought you something. Nakatago sa ilalim ng backseat ng van n'yo:)

Dali dali akong pumuntang garahe at binuksan ang van. May natagpuan akong tatlong paper box ng..... ang daming tape! Gusto ko na makita 'yung nasa loob. WOWWWW ENSAYMADA! Huhuhu ang dami! Isang box ay may 12 pcs. na laman. Grabe 36 pieces!!!?

Agad akong nag-reply kay Brandon.

Hi! Thankkkkkk youuuuuuu sa ensaymadaaaaaaaa!!! Hindi ko 'to mauubos hehe. Ingat ka diyan:)

Sent.

Wala pang ilang minuto ay nag-reply na agad siya.

Weh. Alam ko namang mauubos mo iyan sa isang kainan. Eat well. Ayaw kong nagugutom ka.

Nag-reply ako:

Ang cheesyy... nang ensaymada!

Okay. 'Yung ngiti ko hanggang mata na. Kumuha ako ng isa at kumagat nang malaki. Ang sarapppp! Nag-selfie na rin ako habang kumakain at sinend sa kaniya.

"Mommy! Daddy! Ate! May ensaymada"

"Pahingi!" Sigaw ni ate Berane.

"Hati kayo ni Waffle. Haha!"

"Kanino galing?" Tanong ni Daddy.

"Uhm, kay Brandon po."

Dumaan ang ilang segundong walang umiimik. Kaya nauna na akong nagsalita.

"Kain na po kayo. Masarap, sobra."

"Oo nga, ang sarapppp. Sabihin mo kay Don don bilhan ka ulit!" sabi ni ate Berane.

"Berane, tumigil ka diyan sweetheart. Nakakahiya ka." nakangiting wika ni mommy.

Nag-text naman ulit si Brandon.

Ang cute... nang hawak mong ensaymada! HAHAHAHA. Eat well:)

Napangiti ulit ako. Nakakainis talaga 'to!

"Mommy si Sha sha nakangiti habang may ka-chat!" pabirong sumbong ni ate.

"Ah-uhm nakangiti ba ako? Hindi ah! Diyan na nga kayo!" Napatingin na lang ako kay daddy na wala pa hindi pa rin nagsasalita. Kinuha ko na rin 'yung bawas na box ng ensaymada at dinala sa kwarto.

1 text from Brandon

Just got home. Ay, just got dorm pala dapat. Anong theme song ng debut para ma-practice ko na:>

Habang kagat kagat ang unan ay nag-reply ako:

Me: Hiphop. Mag-practice ka ng hiphop, ah;)

Bakit ba unan ang kagat ko imbis na ensaymada? Nag-vibrate ulit ang cellphone ko.

Ahhh, hiphop. Hmm pwede naman. Dahil ikaw ang ka-partner ko, sabay tayong maghihiphop. Deal or Deal?

Hindi ako mananalo sa lalaking 'to. Hmmp pasalamat siya masarap 'yung ensaymada.

Me: No deal. Okay. Put your head on my shoulder 'yung kanta para sa last dance. Happy??

I have reasons kung bakit ko pinili iyon. And again, he's part of it. Bago ako magbalik tanaw ay nag-text na ulit siya.

Hmm. Sa tingin ko hindi ko na kailangang mag-practice.
_______________________________________

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon