Chapter 11- Cotton

4 1 0
                                    

"Hiyo-oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh-oh"
"Hiyo-oh-oh......."

Agad kong pinatay ang alarm clock ko. Yes, ang tunog ng alarm ko ay 'yung masakit sa tengang vocalization ko (ginagawa ito ng mga choir bago umawit). Isang ring pa lang, gising na diwa ko. That's my secret technique hehe.

3:31 AM pa lang naman kaya nag-unat unat muna ako bago maligo. 5:00 AM ang drill. Umaalis ako ng bahay 45 minutes before ng drill dahil nagpapractice pa ako ng mga piyesa pagdating ko sa kapilya.

By the way, ang totoong tupad ko ay 7:45 PM pero nagpalipat muna ako ng umaga para makapuntang ospital hanggang gabi.

'Pag dating ko ng bahay ay naghanda na kami sa pagbisita kay Tita Claire. Nagluto si mommy ng pagkain para mamaya.

-

Mabigat ang loob ko habang papalapit sa inuupuan nang mag-ama. Kitang kita ang pagod at puyat kay Tito Brandon habang natutulog sa binti niya si Barbie na bakas din ang natuyong luha. Nahihirapan akong makita silang ganito.

"Barbie, may dala akong cotton candy! Kulay pink oh favorite color mo" wika ni Brandon na may dalang dalawang cotton candies.

"Don don, iho, kainin n'yo na 'yang dalawa ni Sha sha. Ngayon lang ata makapagpapahinga ang daddy at kapatid mo." Malungkot na tugon ni mommy.

"Salamat po sa pagpunta, tita. Baka po nakaiistorbo na kami. Maiintindihan naman po ni mommy kung hindi kayo makararating araw araw. Tutupad pa po kayo ni tito mamaya."

"Ayos lang anak. Sige magpahinga ka na rin muna"

Tumabi sa akin si Brandon at ibinigay sa akin 'yung isang cotton candy. Kitang kita ko sa mga mata niya ang kalungkutan.

Paano ko kaya mapapagaan ang pakiramdam nito? Mag-joke? Parang inappropriate namang mag-joke ngayon, eh. Hmmmm.

"Pahingi ng cotton candy mo." Masaya kong sabi sa kaniya. Ibinigay naman niya agad. Ano ba 'yan. Dapat kumunot ang noo niya at sabihing 'meron na akong sarili'.

"Kailan ang balik mo?" tanong ko.

"Tomorrow."

"Kumain ka na?"

"Yup."

"Anong kinain mo?"

"Bread."

"Okay. Nakapagpahinga ka na ba?"

"To be honest, no"

"Please rest. Rest on my shoulder."

"Thank you, Sha."
-

"Don, kakain na tayo." I gently pat his messy hair.

"Okay."

"Diyan ka na lang. Ako na ang magsasandok sa iyo."

"Sha, please buy water muna. Nalimutan namin."

"Okay po."

"Wait lang Don, bibili lang ako ng tubig."

"I'll come with you"
-

"Sumakit ba ang balikat mo? Sorry."

Hindi ko napansin na minamasahe ko pala 'yung kanan kong balikat. Mga tatlong oras ding nakatulog si Brandon.

"Hindi, ah. Sariwa pa rin 'yung mga sugat mo. 'Pagkakain, gamutin ulit natin."

"Hindi na ba ako gwapo sa pangingin mo?"

Nasamid ako. Kanina lang ang tamlay tamlay, ngayon ang hangin na naman.

"Psh. Kailan ka ba hindi gumwapo sa paningin ko?" Hindi ko na napigilan ang lumabas sa bibig ko. Nakakahiya talaga ako!

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon