Chapter 15- Liham

3 1 0
                                    

No text from Brandon. Hindi sa nag-iintay ako pero I think I need an explanation. Sana matagal pa lang ay sinabi na niyang hindi siya makapupunta. Tiyaka, bakit nagpakita pa siya kung hindi rin naman pala..... aysh. Self, please stop.

I breathe deeply. Inhale. Exhale.

Naligo na ako at nagbihis dahil may practice kami para sa Banal Na Hapunan. I am wearing a plain, fitted with long sleeves dress. Inilagay ko na sa tote bag ko ang aking choir hymnal tiyaka bumaba.

Nakita ko si Mommy na umiiyak habang yakap ni Daddy.

"Mommy, ano pong problema?" nag-aalalang tanong ko.

Tumingin ako sa aking relos. 25 mins before mag-umpisa ang aming practice.

"Daddy, huwag n'yo na po akong ihatid. Mas kailangan po kayo ni Mommy. Mauna na po ako, mamaya magbubukas po tayo ng mga regalo."

"Take care." tanging sagot ni Daddy.

Lumabas na ako at pumara ng tricycle. Simula noong muntikan na akong magahasa, madalas na may kasabay na ako tuwing aalis ng bahay. Pero pinigil ko silang lahat. Kaya nangyari sa akin ang bagay na yaon ay para maipakita sa akin ng Ama na kahit nagdaranas ng mga pagsubok ay magpasalamat pa rin sa kaniya.

Laging tagubilin ng Pamamahala na ang naghihirap ang pinagpapala. Ngunit hindi iyon nakita ng driver na iyon. Nilamon na ang kaniyang puso ng galit sa Ama.

Hindi tayo bibigyan ng Ama ng mga problemang hindi natin kakayanin. Kaya nagpapasalamat ako sa Pamamahala dahil tinuturuan tayong mas maging malakas, at matibay laban sa lahat ng bagay.

"Dito na lang po. Eto po ang bayad."

Natanaw ko na sa malayo si Edward at Mike.

"Pst! Belated Happy Birthday. Baka may pa-ano ka diyan." sabi niya habang kunwari ay may iniinom.

"Huy! Batukan kaya kita diyan." natatawa kong wika.

"Ano bang iniisip mo? Wine lang sinasabi ko." ngisi niya.

"Hintayin mo na mag BNH. May grape juice doon." ganti ko.

"Eddieward, bakit ang tahimik mo yata?" nagtatakang tanong ni Mike.

"Tahimik naman talaga iyan, ikaw lang ang maingay." nakangiting sagot ko. "Nasaan si Josa at Carol?"

"Nandoon na sa loob. Alam mo naman 'yung mga iyon, allergy sa araw."

"Thank you."

Habang papasok ay iniisip ko kung bakit umiiyak si Mommy. Tungkol ba ito sa debut kahapon? Wala namang masamang nangyari kahapon, ah.

"Shhh! Huwag kang mag-iingay, nagmememorize ako ng processional." bungad sa akin ni Caroline.

"Lagot ka na naman sa Pangulo. Ang iksi na naman ng damit mo, haha." pang-aasar ko.

"Hehe, mahirap talaga kapag matangkad." sagot niya.

"Anong matangkad ang sinasabi mo diyan?" tanong ni Josephina.

"Tsk. Bahala nga kayo diyan. Mag-memorize na rin kayo."

"Okay." Sabay naming saad ni Josephina.
                        ***

Akala ko ako ang pag-oorganin buti na lang at hindi. Naglalakbay pa rin ang isip ko, siguradong magkakamali lang ako. Agad akong naghanda para makauwi na.

Nasa labas na ako at nag-aabang ng masasakyan ng may biglang humablot ng kamay ko.

"Sha." narinig ko na ang boses niya kaya hindi ko na siya tinignan para makilala.

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon