CHAPTER 2- Tarsier ka ba?

17 2 0
                                    

CHAPTER 2- Tarsier ka ba?

"Mommy, alis na po ako"

"Ingat sweetheart. Manalangin. Hintayin mo kami mamaya pag-uwi ah."

"Okay po."

Bitbit ko na ang toga ko at piyesang pangpamamahayag dahil diretso na ako sa pagtupad.

Nakaugalian ko nang magpractice sa kapilya tuwing 5:00 PM. Pero dahil may pamamahayag pa ay mapapaaga ako ng isang oras.

"Manong, sa kapilya po ako ng Iglesia"

''Sakay ka na ineng"

Malayo layo ang kapilya mula sa subdivision namin. Malayo rin ang bahay namin sa may gate ng subdivision kaya minsan nagdadalawang sakay ako. Ewan ko ba, kahit minsan gabing gabi na ako umuwi mag-isa, hindi ako natatakot lalo na't galing ako sa kapilya. Pakiramdam ko kasi'y lagi akong binabantayan ng Ama.

Naaalala ko noong nag-aaral pa lang ako tumugtog ng organ. Lagi akong sinusundo ni Brandon dahil gabi na ako umuuwi. Nagagalit pa siya kahit wala naman akong ginagawang masama.

Teka, bakit iniisip ko na naman siya?

----------------------------------------------------------------------------

Alas-otso na ng gabi at nag-aayos na ako ng gamit. Hindi ko namalayan ang oras dahil napasarap ang tugtog ko. Mag-isa pa ako sa loob ng kapilya kaya naenjoy ko talaga. Minsan, sinasabayan ko pa ang awit tiyaka iiyak dahil ang gaganda talaga ng mga awit sa Iglesia.

Magpasundo kaya ako kay daddy?

Kaso baka may ginagawa iyon. 'Wag na nga lang. Mananalangin na lang ako.

Papalabas na ako nang makasalubong ko ang aming destinado.

"Magandang gabi po, Ka Christian"

"Magandang gabi rin, Shaina. Sipag ah"

"Ay, hehe. Hindi naman po. Sige po uwi na po ako."

That was ackward. Naiilang talaga ao kapag pinupuri ako. I don't know why.

Teka, parang may nakikita akong lalaki roon sa poste. Scan ba iyon? Hindi, ang bata namang scan niyan. Parang..... parang kilala ko 'to ah.

"Brandon?"

"Ts. Let's go."

"Why are you here?"

"Tingin mo?" Naiinis na sagot niya.

"Bakit ba ang sungit mo, ha? Ewan ko rin kung bakit nandito ka." Pumara siya ng tricycle at hindi ako pinansin.

"Manong Villa Aurora po, special?"

"Sakay Sha." Bakit gano'n? Wala naman akong ginagawang masama parang galit na galit siya.

Hindi ko siya pinapansin hanggang sa magsalita siya. Parehas kaming nakatingin sa gilid. Bahala siya.

"Alam mo ba kung anong oras na?" masungit na tanong niya.

"Oo, may relo ako oh" pinakita ko sa kaniya ang relo ko.

"Ts. Magninine PM na. Tapos maglalakad ka sa dilim? Ano ka, tarsier?"

"Kailan pa naglakad sa dilim ang tarsier? Ha? Tiyaka nagpractice kasi ako mag-organ. Kapag ako natuto, who you ka!" tinignan ko siya ng masama.

"Fine! Sa susunod umuwi ka na bago pa magdilim." nakatalikod niyang sabi sa akin.

"Aba, bakit naman kita susundin? Buhay ko 'to 'no." Nakita ko siyang tumikhim. Hahahaha. Ang sarap talaga lokohin nito.

Ikaw ang PanalanginTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon